RACHELLE ANN, natupad ang wish na makasama sa London ang kanyang mommy bago isilang ang first baby nila ni MARK
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
NATUPAD ang wish ng international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies, na makasama sa London ang Mama Russell niya, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies.
Hindi siya umasa na makararating ang ina dahil sa pandemic na nararanasan natin ngayon worldwide, dahil sa Covid-19 virus.
But three days ago, dumating na sa London si Mama Russell, as per her Instagram post: “My Mama Russell! Love you! Happy Mother’s Day (in UK) and to all the moms & soon to be moms out there. Soooo grateful that my mama is here with us, cannot wait to learn more about motherhood. Excited din ako for her to meet Baby Spies….soon!!!”
Bago iyon, masipag mag-post si Rachellen Ann sa kanyang Instagram stories, ng mga gifts na natatanggap ng coming baby nila from friends and stores in London.
Siyempre ay very happy ang mga friends ni Rachelle Ann rito, like Lea Salonga, sa coming baby nila na secret pa ang gender.
***
NAG-VIRAL sa Facebook ang uploaded video ng Paano Ang Pangako? na umabot na sa 1.1 million views. Makikita rin ang trending video sa official Facebook page ng IdeaFirstCompany, ang mga mabibigat na eksena sa pagitan nina Hope Aguinaldo (Beauty Gonzales) at Karen Dominante-Cruz (Karel Marquez), at ang eksena ng torn-between-two-lovers na acting ni Ejay Falcon sa eksena.
Patuloy ninyong subaybayan ang napaka-classy yet intense na paghaharap-harap nila.
Napapanood ang Paano Ang Pangako? na tumaas ang ratings habang ka-back-to-back nito ang FPJ’s Ang Probinsyano, Lunes hanggang Biyernes sa TV5.
Kapuri-puri rin ang mahuhusay na performances ng cast na kinabibilangan nina Maricel Laxa-Pangilinan, Bing Loyzaga, Elijah Canlas at Miles Ocampo.
Nalalapit na ang season-ender ng serye at siguradong mami-miss sila ng viewers at ang pagti-trending ng mga eksena. Tiyak, may matinding pasabog ang ending nito, kaya dapat abangan at tutukan ng mga sumusubaybay sa serye.
***
NANG muling mag-appear sa All-Out Sundays ang The Clash 3 champion na si Jessica Villarubin last March 14, marami agad nakapuna na may nabago sa kanyang face.
Hindi naman nagkaila si Jessica, hindi niya itinago na kaya pansamantala siyang nawala sa AOS, ay dahil nagpa-enhance siya, na matagal na niyang gustong gawin, kasi noong bata pa siya, subject na raw siya ng pambu-bully ng mga kalaro niya.
At nang magsimula na siyang mag-audition, dahil maganda naman talaga ang boses niya, feeling niya parang hadlang ang looks niya para siya mapili.
Ngayon, mas may confidence na si Jessica at thankful siya kay Christian Bautista na isa sa mga judges ng The Clash 3, na iginawa siya ng kanta na siya niyang naging victory song noong grand finals ng musical competition. Ito na rin ang naging first single niya which she recorded sa GMA Music, ang “Ako Naman” na mapapakinggan na sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide. (NORA V. CALDERON)
-
Tropang Giga hinugot si Khobuntin
Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup. Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga. Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at […]
-
Hamon sa ABS-CBN: 11,000 empleyado, gawing regular
Hinamon ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap ang pamunuan ng ABS-CBN na gawing regular lahat ng nasa 11, 000 empleyado ng nasabing kumpanya para patunayan na pinapangalagaan nito ang kapakanan ng kanilang mga trabahador. Ito ang naging pahayag ni Yap kasunod ng mga isyu na kinahaharap ng ABS-CBN ukol sa kanilang franchise at […]
-
Ads May 6, 2021