• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix

MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league.

 

Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15.

 

Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang bagong squad na San-En habang pinagdiriwang ang 31st birthday ni American import Kyle Hunt. Ang pagdating ng three-time UAAP Finals MVP ay tamang- tama lang dahil ang NeoPhoenix ay nanatiling kulelat na pwesto sa first division ng 2020-21 B.League sa kartadang 1-9 (win-loss).

 

Sa huling laro ng San-En ay nanalo ito kontra Kyoto Hannaryz, 94-75, dahil sa tulong nina Stevan Jelovac at Hunt.

 

Umaasa ang San-En na madadala ni Ravena sa panalo ang koponan.

Other News
  • Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%

    PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng  2022 ang ekonomiya ng Pilipinas.     Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate.     Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa  downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real […]

  • Eala pasok sa 2nd round ng W15 Manacor Leg 2

    Kahit mayroong anim na International Tennis Federation (ITF) women’s singles title ang kanyang kalaban ay hindi nasindak si Alex Eala.     Pinatalsik ng Pinay tennis sensation si No. 2 seed Mirjam Bjorklund ng Sweden, 6-4, 3-6, 6-3, sa se-cond leg ng W15 Manacor ITF Rafael Nadal Academy World Tennis Tour sa Mallorca, Spain.   […]

  • Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season

    Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.   Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw.   Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan […]