• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon.

 

 

Hindi isinantabi ng health expert ang posibleng kagagawan ng mga natuklasang bagong variant ang pagtaas ng mga kaso.

 

 

Sa kabila ng mga tagumpay na nakamit ng pamahalaan para makontrol ang pagkalat ng virus, maaaring bumabalik naman ang COVID-19 na mas ma­lakas dahil nga sa mga variants.

 

 

Sa datos ng OCTA Research Group, higit na mataas ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila nga­yon kumpara noong Hulyo-Agosto 2020.

 

 

Nakapagtala ng ave­rage 1,025 bagong kaso sa NCR mula Pebrero 28 hanggang Marso 6. Tumaas ito ng 42 porsyento kumpara sa datos ng sinundang linggo at tumaas ng 130 por­syento kumpara sa nakalipas na dalawang linggo nito.

 

 

Umakyat din ang reproduction rate ng NCR sa 1.66 na huling naitala noong Hulyo 2020.

 

 

Aminado rin ng OCTA Group na ma­aaring dulot nga ito ng bagong strain ng virus tulad ng South African, United Kingdom at iba pang mutations na higit na nakakahawa kumpara sa orihinal na variant.

 

 

Umakyat rin ang positivity rate sa NCR ng 8% sa nakalipas na isang linggo habang ang hospital occupancy ay nasa 44% na at ang ICU occupancy rate ay nasa 53%.

 

 

Apat na lugar sa Metro Manila ang tinukoy ng OCTA Group na may pinakamataas na mga kaso. Kabilang dito ang Pasay City, Makati City, Malabon City at Navotas City.

Other News
  • 16 inmates ng Bilibid, nasawi kada buwan mula Enero hanggang Oktubre ng 2022 – forensic expert

    NASA  16 na inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi kada buwan mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.     Batay ito sa examination na isinagawa ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun sa Eastern Funeral Services na natatanging funeral home na accredited sa Bureau of Corrections (BuCor).     Ayon […]

  • Kinabog ang early favorite na si Michelle: Pambato ng Pasay City na si CELESTE, kinoronahan bilang Miss Universe PH

    ANG representative ng Pasay City na si Celeste Cortesi ang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2022 sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado ng gabi.   Ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee na kinatawan ang Makati City ay binigyan ng titulong Miss Universe Philippines Tourism. Samantalang si Miss Bohol Pauline Amelinckx ay […]

  • Ads November 23, 2021