Reklamo sa LTO, pwede na sa online
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
Maaari nang magreklamo online ang publiko sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng inilunsad na online complaint platform na “Isumbong Mo Kay Chief” QR code.
Ang LTO “Isumbong Mo Kay Chief” QR code ay isang serbisyong digital na magagamit ng publiko para sa mas madaling pagpaparating ng mga reklamo at suhestiyon, gamit lang ang cellphone.
Pinangunahan ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaskil ng “Isumbong Mo Kay Chief” QR code sticker sa Licensing Section ng LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, isa sa mga mataong lugar sa ahensya.
Nakapaskil na rin sa LTO district at regional offices sa buong bansa ang nasabing QR code sticker.
Sakaling may reklamo o suhestiyon, kailangan lamang na i-scan ang QR code gamit ang cellphone. Mula rito ay lalabas ang isang survey form kung saan ilalagay ang mga detalye ng reklamo o suhestyon na direktang mababasa ng mismong LTO Chief at maipaparating din sa mga hepe ng iba’t-ibang distrito ng ahensya. (Daris Jose)
-
Ginawa ang lahat para maisalba ang relasyon: ALJUR, umamin sa vlog ni TONI na nagkasala kay KYLIE
BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla. At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon. “Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur. Ayon pa […]
-
PBA naghahanda na sa season opening
Pinaplantsa na ng PBA management ang lahat para sa pagbubukas ng PBA Season 46 Philippine Cup na inaasahang masisimulan na sa susunod na buwan. Pangunahing prayoridad ng PBA ang mga health protocols na gagawin bago simulan ang season. Hindi naman na bago ang liga sa ganitong sitwasyon dahil nagawa na ito […]
-
World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban
IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager. “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson. […]