RR Pogoy injury habang Mikey Williams sumabog
- Published on February 18, 2023
- by @peoplesbalita
Mga laro Sabado: (Araneta Coliseum)
4:30pm — Terrafirma vs Phoenix
6:45pm — Converge vs NLEX
NAGLIYAB ang mga kamay ni MIkey Williams upang punan ang pagkawala ng kakamping si RR Pogoy upang bitbitin ang TNT Tropang Giga palapit sa quarterfinals sa paghugot sa 111-104 panalo kontra Meralco Bolts sa eliminasyon ng season ending na 2022 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum, Biyernes.
Nagtala si Williams ng 25 puntos, 5 rebounds at 1 assist upang tulungan ang Tropang Giga sa pagsungkit sa ikalimang sunod na panalo at makapitan ang solong pangunguna sa 7 panalo at 1 talo.
Tumulong ang import na si Rondae Jaquan Hollis-Jefferson ng 32 puntos, 10 rebounds at 8 assists pati na si Calvin Oftana na nagbuhos ng 19 puntos, 8 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block upang ilapit ang Tropang Giga sa quarterfinals.
Nag-ambag naman si Jayson Castro ng 15 puntos, 1 rebound at 1 assist, na nagbabalik mula sa ankle injury.
Hindi naman natapos ni Pogoy ang laro matapos itong magtamo ng ankle sprain sa unang quarter.
Itinala pa ng Tropang Giga ang pinakamalaki nitong abante sa 22 puntos.
Nahulog ang Meraloo sa ikalawang sunod na kabiguan para sa 3-3 panalo-talong karta. (CARD)
-
Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva
HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman. Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva. Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th […]
-
“Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension
Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan. Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp. “I’m happy to announce that soon, we can […]
-
Pdu30, ilalatag ang ginawang paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa Covid-19
ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi sa bayan ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19. Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public address na gagawin sa kanyang hometown sa Davao City. “Isa po sa hiningi ni Presidente […]