• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine

INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population.

 

 

Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor.

 

 

Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang dalawang convoy sa maghapon.

 

 

Ang mga paglikas ay naganap din sa labas ng kabisera ng Kyiv.

 

 

Ngunit ang mga pagtatangkang paglikas mula sa daungang bayan ng Mariupol ay nabigo sa ilang mga pagkakataon sa mga nakaraang araw, na kapwa sinisisi rito ang Kyiv at Moscow.

 

 

Samantala, handa naman si Chinese President Xi Jinping na makipag-ugnayan sa international community upang mamagitan sa digmaan sa Ukraine.

 

 

Ngunit, hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.

 

 

Muling iginiit ng China ang pagtutol sa mga Western sanctions laban sa Russia.

Other News
  • Relasyong PIOLO at SHAINA, maraming kinikilig at meron ding hindi naniniwala

    BIGLANG lumitaw sa social media ang tila foursome date nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago at sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.     Base sa mga pictures na lumabas, madaling isipin na may relasyon between Piolo and Shaina.     Marami naman kaming nabasang mga netizen na kinikilig sa kanilang dalawa. May mga […]

  • Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…

    Isa pang laban bago magretiro!     Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao.     Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis […]

  • Mga biyahero mula sa India, bawal pumasok sa Pilipinas…

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na i-ban ang lahat ng pasahero kasama ang mga Filipino na galing sa bansang India.   Ang travel ban, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay magiging epektibo ng ala-1:00 ng umaga ng Abril 29, 2021 hanggang Mayo 14, 2021.   Ang […]