• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ISTAF indoor meet Obiena target ang podium finish

MANILA, Philippines — Sasabak si national pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang kauna-unahang international tournament ngayong taon.

 

 

Dumating na ang Tokyo Olympian sa Berlin, Germany para sa paglahok niya sa Istaf Indoor competition bagama’t kagagaling lamang niya sa isang knee surgery noong nakaraang buwan.

 

 

“There was a slight delay in our flight due to multiple unforeseen circumstances but nonetheless were taking off tomorrow and first stop of the season is @istaf_indoor,” wika ng 26-anyos na si Obiena sa kanyang Facebook post kahapon.

 

 

Sa Berlin meet ay m­uling makakasagupa ng Southeast Asian Games at Asian championships record-holder si Tokyo Olympics gold medalist at world record holder Armand Duplantis ng Sweden.

 

 

Makikipagsukatan din ng lakas sina Torben Blech, Oleg Zernikel at Bo Kanda Lita Baehre ng Germany, Dutch Rutger Koppelaar, Polish Piotr Lisek at American KC Lightfoot.

Other News
  • 28 jeepney routes muling binuksan

    MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan.   Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]

  • Sharon, tinawag na ‘balyena’ ng basher na pabirong sinagot niya na ‘dugong’ naman

    MULING nag-post si Megastar Sharon Cuneta na na naka-swimsuit at may caption na, “O last na ito for this season ha?!”     Gamit ang mga hashtags na #kimkurdapia #sharon2021 #JLoYourenotalone.   Isa sa agad naman nag-comment si Ara Mina ng, “Wow o wow! Sexy naman ng Ate Sha ko.”   Marami ngang natuwa at puring-puri ang […]

  • Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown

    Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.   Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang […]