Sa kabila ng kanyang laban sa sakit na cancer… Doc Willie, tatakbong Senador sa 2025 elections
- Published on October 2, 2024
- by @peoplesbalita
SA KABILA ng kanyang sakit na kanser, plano pa rin ni Dr. Willie Ong na tumakbo sa senatorial race sa 2025 midterm elections.
Mismong si Doc Willie ang nag-anunsiyo nito sa isang Facebook Live.
Ayon kay Doc Willie, nagawa na niya ang mga papeles para sa kanyang kandidatura at naipa-notaryo na rin ito.
Ang kanyang maybahay aniya na si Doc Liza ang maghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Miyerkules, Oktubre 2, sa Commission on Elections (Comelec).
“Magfa-file po ako for senator. I’ll be filing for senator sa October 2, Wednesday,” anunsiyo pa ni Doc Willie.
“Si Doc Liza, nasa airplane na ngayon… Siya magfa-file ng sa akin, pero ako tatakbo,” aniya pa.
Sinabi ng doktor na tatakbo siya kahit walang pondo o isponsor upang ipakita na tunay ang Diyos at kaya niyang manalo sa halalan.
“Tatakbo tayo, papakita natin tunay ang Diyos. This time, we’re gonna win it,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “First miracle, I have to get well. Second, tatakbo tayo nang walang pera kung hindi manalo e di sorry but I’ll give it my best shot.”
Matatandaang si Doc Willie, na isang kilalang doctor-vlogger, ay dati nang tumakbo sa vice presidential race noong 2022 elections, ka-tandem ang natalong presidential candidate at dating Manila Mayor na si Isko Moreno, ngunit hindi pinalad na manalo.
Kamakailan lamang naman ibinunyag niya na siya ay may sarcoma cancer, na maaari aniyang nakuha niya dahil sa stress na dinanas nang tumakbo sa halalan at kasalukuyan pang sumasailalim sa gamutan. (Daris Jose)
-
DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout
LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year. At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan. Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay […]
-
Antibody testing sa NBA, ipatutupad
Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga. Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]
-
Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque
“We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.” Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde. Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac. Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang […]