Sa showbiz na na-experience at matapang na hinarap: JULIA, memorable ang ‘high school life’ at never nakaranas nang pambu-bully
- Published on March 15, 2022
- by @peoplesbalita
SA bagong youth comedy-drama series na The Seniors mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto.
Binuo ito at prinoduce ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone at sa direksyon ng young director na si Shaira Advincula-Antonio.
Nagbabalik-series nga si Julia na fresh pa mula sa kanyang hit TV series na Di Na Muli at horror movie mula sa direksyon ni Brillante Mendoza na Bahay na Pula.
Makakasama niya rito ang dancer-actress na si Ella Cruz, ang singer-actress at dating miyembro ng Pop Girls na si Andrea Babierra, at ang actor-comedian na si Awra Briguela.
Ang The Seniors ay tungkol sa apat na senior high school students sa isang provincial public high school na sama-samang haharapin ang iba’t-ibang problema sa buhay at pag-ibig. Sa Pacaque National High School, kilala ang it-trio na “The Certifieds.”
Pinangungunahan ito ni Jennifer (Ella Cruz), ang overachiever Student Council President. Kasama niya ang “Muse” ng school na si Nicole (Andrea Babierra) at ang school Volleyball Team Captain na si Fifi (Awra Briguela).
Consistent sa pagiging star section, naniniwala ang tatlo na sila ang elite students ng kanilang eskwela at dapat ay parati silang magkakasama kahit anuman ang mangyari. Ngunit sa huling taon ng kanilang high school, maraming malalaking pagbabago ang kailangan nilang harapin.
Isa na rito ang pagdating ng maganda at matalinong transferee from Manila na si Diana (Julia Barretto). Sa kanyang pagdating, mas magiging masaya at mas maraming problema ang kanilang haharapin habang pilit na babalansehin ang magandang grades, pagkakaibigan at romantic relationships.
At bilang city girl from Manila na lumipat sa province, game changer ang role niya kaya na-threaten sa kanya ‘yung mean girls doon sa school and hina-harass talaga siya at binu-bully.
Hindi raw ito naranasan ni Julia noong nasa high school at naging maganda at memorable ang kanyang high school life at never siyang na-bully, noong nag-artista na lang siya nakaranas ng pambu-bully at matapang naman niyang hinarap, at patuloy lang ang buhay.
Sa direksyon ito ni Shaira Advincula-Antonio, ang young at award-winning Mindanaon short film director. Ang kanyang short film na Tembong ay nakarating na sa iba’t ibang international short film festivals gaya ng Guanajuato International Film Festival sa Latin America, International Inter-University Short Film Festival sa Bangladesh, at Short Cut Film Festival sa Serbia.
Dito sa Pilipinas, nagwagi ang Tembong bilang Best Short Film sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival at Gawad Urian Awards. Ito din ang unang series na ginawa niya.
Balikan ang saya at lungkot na kasama ng high school life sa The Seniors simula March 20, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macau, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe. At sa best viewing quality na ang inyong panonood dahil ang VIVAMAX ay compatible na with TV casting.
Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.
Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.
Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna.
Mas affordable, mas maraming ways at mas madali na ang pag-subscribe. Kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!
(ROHN ROMULO)
-
Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby
DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin. Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]
-
Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM
PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na territorial disputes sa South China Sea (SCS). Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito. “It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps […]
-
SANYA, marami nang nagkaka-interes na kuning endorser dahil sa tagumpay ng teleserye
PATULOY ang pagtaas ng rating ng new action-drama fantasy series na Agimat ng Agila, sa muling pagbabalik-acting ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa TV. Sa first two episodes ipinakita muna ang pagkakaroon ng masayang pamilya ni Gabriel, ang pagliligtas niya sa enchanted eagle, who in turn ay siyang tumulong sa kanyang makaligtas sa […]