Sandra Cam dawit sa kasong murder – NBI
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
Nirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaso ng murder kay Philippine Charity Sweepstakes board member Sandra Cam, kasama pa ang anak nito, sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.
Dawit din sa kasong murder sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz, na sinasabing gunmen sa pagpatay kay Yuson, ayon sa NBI Death Investigation Unit.
Ang limang suspek ay nilarawan ng NBI bilang mga tao ni Cam na tinuro siyang mastermind.
Ang kaso ay naisampa na sa Department of Justice, Biyernes ng hapon, February 21.
Si Yuson ay pinaslang sa Sampaloc, Manila noong nakaraang October 9, 2019 habang kumakain ng almusal sa isang kainan.
Ang getaway vehicle ng mga mamamatay-tao ay nasilayan sa CCTV camera.
Matatandaan na itinuro ng asawa ni Yuson na si Lalaine, si Cam bilang mastermind sa pagpatay sa Batuan vice mayor matapos matalo ang anak nito na si Martin, sa anak ng mga Yuson na si Charmax sa 2019 mayoralty election sa Batuan.
-
Slaughter nagpatali na
NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga. Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na […]
-
FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup
Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup. Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas. Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para […]
-
33K college level na anak ng OFWs makatatanggap ng P30K tulong
Magbibigay ang gobyerno ng one-time grant ng P30,000 na educational assistance sa mga kolehiyong anak ng overseas Filipino workers, ayon kay President Rodrigo Duterte. “Ang tulong po sa edukasyon sa mga anak niyo nito is a one-time grant of P30,000. The project will be allotted with the amount of P1 billion which will benefit about […]