• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANYA, aminadong fan ni GABBY kaya kinikilig

KINIKILIG na umamin si Kapuso actress Sanya Lopez, sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, na hindi pa niya nami-meet nang personal ang magiging leading man niya sa upcoming romcom series nila na First Yaya.

 

Aminado rin si Sanya na certified fan siya ni Gabby Concepcion, kaya siya kinikilig, dahil hindi niya in-expect na darating ang chance na iyon sa kanya.

 

“Yung kilig na tulad sa isang fan, ang kilig ko sa kanya,” paliwanag ni Sanya.

 

“And iyon pong sinasabi ng director namin, si Direk LA Madredejos, huwag ko munang alisin iyon, ‘yung parang fan ako ni Mr. Gabby Concepcion, kasi iyon po daw ang gusto niyang ma-catch kapag nagkita na kami kapag nagsimula na ang lock- in taping namin ng teleserye.”

 

Sa simula ng story vice-president ng bansa si Gabby, at later on magiging president. Magiging yaya ng mga anak niya si Sanya as Yaya Melody. Makakasama nila sa cast sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, JD Domogoso at si Ms. Pilar Pilapil.

 

Mapapanood ito sa primetime telebabad ng GMA Network.

 

Sa ngayon ay naghahanda na ang production staff sa pagsisimula ng lock-in taping na io-observe nila lahat ng health protocol requirements, para sa buong cast at production crew na magtatrabahong kasama nila. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • 17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT

    PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe.       Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula […]

  • Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]

  • BABAYARAN ANG UTANG NG PHILHEALTH SA PRC

    MAY isang salita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang sabihin nito na babayaran ng pamahalaan ang obligasyon nito sa Philippine Red Cross (PRC).   “The President has given his commitment that the government will pay its obligation to the PRC,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.   Idagdag pa ang pagbibigay ng legal na opinyon […]