• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi

Malinaw sa mga ­naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.

 

 

Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido sa presidential elections sa susunod na taon.

 

 

Running-mate ni dela Rosa si Sen. Christopher “Bong” Go.

 

 

Sa panayam ng Headstart ng ANC, sinabi ni Cusi na hindi nila naikonsidera ang pagpalit ni Sara kay Dela Rosa dahil malinaw naman ito sa mga naunang pahayag ng alkalde na hindi ito kakandidato sa ilalim ng PDP.

 

 

Pinapayagan ang substitution ng mga kandidato kung ang orihinal na ­naghain ng kandidatura at ang ipapalit ay magka-partido.

 

 

Sinabi rin ni Cusi na pinatakbo nila si Dela Rosa dahil hindi natuloy ang orihinal nilang plano.

 

 

Matatandaan na si Duterte sana ang tatakbo bilang bise presidente ng bansa pero umatras ito at sa halip ay pinatakbo si Go na sinamahan pa niya sa paghahain ng kandidatura.

 

 

Napagkasunduan ­aniya na si Dela Rosa ang patakbuhin bilang pangulo dahil may adbokasiya rin naman ito.

Other News
  • Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino

    INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]

  • DC Gives A Detailed Look at Aquaman & Black Manta’s New Costumes in ‘Aquaman 2’

    DC has given us a detailed look at the uniforms Arthur Curry (Jason Momoa) and Black Manta (Yahya Abdul) will be using on Aquaman and the Lost Kingdom.     Our own Steven Weintraub took some exclusive pictures at the Licensing Expo in Las Vegas, giving us the best look yet at the new costumes […]

  • Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months

    Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19.     Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies.     Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente […]