• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso biniyayaan ng P480K

MAANGAS ang third and final round ni Yuka Saso na three-under par 69 patungo sa total 214 pero kumasya lang iyon para sa walong magkakasalo sa ika-12 posisyon na na may grasyang ¥1,080,000 (P480K) bawat isa sa pagrolyo ng 14th Meiji Yasuda Seimei Ladies Yokohama Tire Golf Tournament 2021 sa Tosa Country Club sa Kochi Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 14.

 

 

Iwan lang ang 19-anyos na Fil-Japanese mula sa San Ildefonso, Bulacan ng apat na hampas sa Haponesang si Inami Mone na nanaig sa playoffs sa kalahi niyang si Kana Nagai mula sa pagkakabuhol  nila sa regulation play sa tig-201 aggregate mula sa napalong 76 at 73, ayon sa pagkakabanggit.

 

 

Nasa radar din ng top Philippine rookie professional na si Saso ang T Point X Eneos Golf Tournament darating na Marso 19-21 sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, ang ikatlo niyang lalaruan sa taong ito sa 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21.

 

 

Sumablay siya sa cut sa pagsosyo lang sa eight-way tie sa 63rd spot sa 107-player The 34th Daikin Orchid Ladies Golf Tournament 2021 noong March 4-7 sa Rykyu Golf Club sa Okinawa Prefecture. (REC)

Other News
  • Bukod sa launching ng kanyang ‘Love Local’ series… Sen. IMEE, aalamin ang mga sikreto ni BORGY sa exclusive and must-watch vlog

    ISA na namang kapana-panabik na bonding session kasama si Senator Imee Marcos dahil sasalubungin niya ang buwan ng Setyembre sa pamamagitan ng dalawang bagong vlog entries na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.   Sa araw na ito, Setyembre 2, opisyal na ilulunsad ni Sen. Imee ang pilot episode ng kanyang ‘Love Local’ series, […]

  • Booster shots para sa priority groups, maaaring simulan sa Nobyembre

    TARGET ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na simulan sa Nobyembre ang pagbabakuna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine booster shots sa priority sectors.   Inaprubahan na kasi ng Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots sa mga fully vaccinated health care workers (A1), na unang nakatanggap ng bakuna noong Marso.   […]

  • ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas

    NAGING  matagumpay ang  Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process  upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas.     Sinabi ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard”  para i-minimize ang red tape at  i-digitalize ang bureaucratic processes. […]