• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, tumanggi na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Cong. Mike Defensor

TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.

 

Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) para gamiting gamot ng tao.

 

Sa kasalukuyan, limitado lamang ang permit nito para gamutin ang parasitic ailment ng mga hayop.

 

At sa tanong naman hinggil sa legalidad ng naging aksyon ni Defensor ay sinabi ni Sec.Roque na “I will not give legal advice on something that I am not engaged with professionally. It is the mandate of the FDA to give an approval if a drug is effective.”

 

“Hindi po siya nagbebenta. Ipinamamahagi po niya pero depende rin to if this could reach  [the level of] distribution. I don’t want to give a legal opinion if I do not have all the facts,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamimigay siya ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

 

Una nang sinabi ni Defensor na uminom siya ng Ivermectin nang magpositibo siya sa COVID at nakatulong umano ito sa paggaling niya kung kaya’t isa siya sa humihiling sa FDA na pahintulutan ang paggamit nito.

 

Ayon kay Defensor, libre niyang ipamimigay ang Ivermectin at prayoridad ang mga senior citizen at mga sakitin.

 

“Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna,” nakasaad sa Facebook post ng kongresista na sinundan ng, “Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN.”

 

Sa hiwalay ng pahayag, nilinaw ni Defensor na kailangan may kasama pa ring prescription partikular kung paano ito inumin at dami batay sa timbang at sa may COVID kailangan may susunding protocol.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na ang aplikasyon para sa “compassionate use” ng ivermectin ay naisampa na sa FDA.

 

Wala pang desisyon ang FDA sa bagay na ito.

 

Sinabi naman ni FDA Director General Eric Domingo na ang compassionate use permit ay pumapayag lamang sa legal administration ng nasabing gamot sa bansa subalit hindi naman katumbas ng paggarantiya ng FDA sa “safety and efficacy” ng nasabing gamot. (Daris Jose)

Other News
  • ‘I-Registro’ ilulunsad ng DSWD, pagrehistro sa beneficiaries bibilis

     MAGLULUNSAD ang De­partment of Social Welfare­ and Development (DSWD) ng isang self-service regis­tration at data authentication ng mga po­tential bene­ficiaries sa pa­mamagitan ng “I-Registro”.     Ang “I-Registro” ay isang dynamic social registry (DSR) na naglalayong pa­lakasin at mapabilis ang pag-encode ng mga detalye ng bawat benepisyaryo.     “The I-Registro aims to enhance the […]

  • SARAH, strong, beautiful, powerful at superwoman ayon kay MATTEO; wish na magka-baby na sila

    SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an.     Sa 33rd birthday ng Popstar Royalty noong July 25, ipinakita na naman ni Matteo ang labis labis na pagmamahal kay Sarah.     Sa Instagram post niya, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside […]

  • PDu30, nagulat sa pagtakbo ng anak na si Mayor Sara sa pagka-bise Presidente

    IKINAGULAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paghahain ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-Bise Presidente lamang.   Sa panayam, sinabi ng Chief Executive na labis niyang ipinagtaka na number 1 sa survey si Mayor Sara subalit pumayag ito na Bise lang ang takbuhan.   Sigurado aniya ang Pangulo na […]