• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serbisyong pangkalusugan gawing digital – Citizen Watch Philippines

Nanawagan ang isang consumer group para sa digital transformation ng health care sector upang mapunan ang malaking patlang sa paghahatid ng medical services sa mga mamamayang Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sa isang pahayag, sinabi ng Citizen Watch Philippines na ang “digital transformation” o ang paglipat sa online ng mga serbisyong pangkalusugan ng Philippine health sector ay magbibigay-daan para maging mas episyente at ‘accessible’ ang mga serbisyo sa mamamayan ‘tulad ng medical, dental at mga konsultasyon sa doktor.

 

“To effectively address these life-threatening problems, the health sector must immediately shift to digital platforms as a safe, convenient, and reliable tool for delivering health care services to patients,” wika ni Citizen Watch Philippines convenor Orlando Oxales.

 

Ayon kay Oxales, sa pamamagitan ng telemedicine at iba pang digital solutions, ang mga pasyente ay hindi na mapipilitang ipagsapalaran ang pakikiharap sa ibang tao at ang posibleng pagkahawa kapag pisikal silang bumisita sa isang medical institution ng isang ahensya ng gobyerno.

 

“Instead, services such as clinical consultation become accessible from home,” sabi pa niya.

 

“Integrating innovative technologies is critical in implementing health laws such as the Universal Health Care and National Integrated Cancer Control Act”.

 

Binigyang-diin niya na ang paglipat sa cloud-based technologies ay magpapalakas sa public health care system na makabubuti sa buong health care ecosystem na may mga kalutasan para sa big data analytics, on-demand healthcare, virtual reality, artificial intelligence tools for treatment, block chain technology for electronic health records, at iba pang applications na nararapat na accessible sa pamamagitan ng mobile networks.

 

Partikular na ipinanawagan ng  Citizen Watch Philippines sa pamahalaan ang pag-aalis ng bureaucratic barriers na pumipigil sa pagtatayo ng digital infrastructure sa loob ng maraming dekada.

 

“Public investment in digital infrastructure complemented with the right partnerships with the private sector and health care stakeholders is the whole-of-society approach we need to overcome our health crisis,” paliwanag ni Oxales.

 

Tinukoy rin ng grupo ang pangangailangan na ganap na ipatupad ang Ease of Doing Business law at permanenteng buwagin ang bureaucratic barriers sa national at local levels.

 

Hiniling din ng Citizen Watch Philippines sa pamahalaan na payagan ang telecom industry na tumulong sa pagtatayo ng future-proof digital infrastructure network upang matugunan ang fast-growing demand ng digitized society na iniuugnay ang lecosystems ng gobyerno, private industries, at consumers sa cloud-based services na ‘secure, stable and fast’.

 

“All these can only be possible if we have a robust nationwide and future proof digital infrastructure that will deliver fast broadband services,” sabi ni Oxales. 

Other News
  • Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA

    ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3.     Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na […]

  • Pokwang na binash dahil sa maling spelling, bumuwelta rin: Statement ni ELLA na ‘History is like a chismis’, pinag-uusapan pa rin

    USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz nang tanungin tungkol sa pagganap bilang Irene Marcos sa pelikula ng Viva Films na “Maid In Malacañang” na mula sa direksyon ni Darryl Yap.     Natanong kasi sa aktres, “Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, […]

  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]