• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Sign of love’ sa kapatid na pumanaw: ELIJAH, nagpa-tattoo para ‘di nila makalimutan si JM

PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM. 

 

 

Pati raw ang isa nilang kapatid na si Jerom ay nagpalagay din ng tattoo.

 

 

Sign of love daw nila ito para kay JM na sa edad na 17 ay nagpaalam na sa kanila.

 

 

Ayon kay Elijah, noon pa raw gusto ni JM na magkaroon ng maraming tattoo sa kanyang braso, kaso lang ay hindi siya pinapayagan ng kanilang ina.

 

 

Ngayon daw ay may blessing na mula sa kanilang ina na magpalagay sila ng tattoo para raw parati nilang maramdaman ang presence ni JM.

 

 

Pinost ni Elijah ang specially-designed tattoo niya sa braso via Instagram.

 

 

“Remember when you’d always joke about wanting to get a full sleeve of tattoos, JM? Tapos sasakyan ko yung pagbibiro mo kay mom until she gets pissed and tells us to not go home if we do push through with it.

 

 

“Guess what? Kuya Jerom and I just got tattooed today. We even brought Iya with us. Mom’s fine with it now. She actually wants to get one herself. Even Dad wants to get tatted now.

 

 

“Pero siyempre tungkol sa’yo ang design. Your favorite thumbs up pose with your name enlaced on it designed by ate Zia. Our cousins also got the same design marked on them. Matching kami lahat.

 

 

“I want you with me forever and always. We all do. I can’t believe it hasn’t even been a month. Thank you for being my strength. I miss you so much it hurts. Pero kaya ito ni kuya. Kaya namin ito. We love you more than anything, JM! Habang buhay. Habambuhay.”

 

 

August 3, 2023 noong pumunaw si JM na nag-struggle dahil sa mental health issues nito.

 

 

***

 

 

MASAYA ang R&B singer na si Jay-R dahil sa collab nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez.

 

 

On Instagram, pinost ni Jay-R ang isang video clip ng recording session nila ni Regine.

 

 

“I’m blessed with this brand new collab we’re working on. Thank you @reginevalcasid,” caption pa niya.

 

 

Kelan lang ay naging success ang reunion concert nila ni Kyla at nakapag-release pa si Jay-R ng dalawang bagong singles na ‘New Day’ at ‘Blessed’.

 

 

Sa November ay tuloy na ang US tour ni Jay-R para sa kanyang 20th anniversary na may titulo na ’20 Up Tour’ na magki-kick off sa Orange County, California.

 

 

Post niya sa IG, “Join me on November 18, 2023, at the Garden Grove Amphitheater in Orange County as we kick off my 20 Up Tour! I’m ecstatic to celebrate two decades in the entertainment world, proudly wearing my crown as the King of R&B. Don’t let this historic event slip away – grab your tickets ASAP and let’s make unforgettable memories together! Link for tickets in my bio. #20UpTour #KingOfRnB #OrangeCountyCelebration”

 

 

Si Regine naman ay may upcoming concert din November 25 titled ‘Regine Rocks’ sa MOA Arena.

 

 

*** 

 

 

OFFICIALY off the bachelor’s market na ang Marvel actor na si Chris Evans dahil kasal na ito sa kanyang girlfriend na si Alba Baptista.

 

 

According to People Magazine, the couple tied the knot in a ceremony at a private estate in Cape Cod, Mass., on Saturday, September 9.

 

 

Report naman ng Page Six: “The nuptials were locked down tight, as guests signed NDAs and phones were forfeited.”

 

 

Kasama sa exclusive guest list ay mga colleagues ni Chris sa Marvel Cinematic Universe (MCU) na sina Robert Downey Jr., Chris Hemsworth, Jeremy Renner, plus Emily Blunt and husband John Krakinski.

 

 

Noong November 2022 nagsimula ang romance nila Chris at Alba. Naging official sila via Instagram noong January 2023.

 

 

The 42-year old Captain America star was named Sexiest Man Alive last 2022 and in an interview, he said marriage was “absolutely something I want.”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MM, maaaring bumaba sa Alert Level 3- Abalos

    MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ng pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng Covid 19 ay nagpakita ng “improvement”.   Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang situwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, […]

  • 3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.   “Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya […]

  • ‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

    NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).   Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]