• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinabihang ‘masama ang ugali’ nang makita sa mall: GABBI, nagulat din na kayang makipagsabayan kina JODI at JOSHUA

KILALANG mahuhusay na artista ang mga kasabayan ni Gabbi Garcia sa serye na ‘Unbreak My Heart’ tulad nina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at iba pang supporting cast, pero nagawa ni Gabbi na hindi magpahuli at makipagsabayan sa mga ito.

 

“Siguro it’s really all hard work and disiplina po. And ang dami ko rin natutunan, especially sa mga directors. And also my acting coach, si Ms. Ana Feleo, so, ano siya, e, it’s a project that I really wanted to grow. It was intentional. Talagang may purpose, may intention na gusto kong mag-grow as an actor.”

 

Kahit daw siya sa sarili niya, nagulat daw siya na kaya raw pala niya.

 

‘Yun nga lang, dahil sa ginampanan niyang karakter, natatawa na lang si Gabbi nang ilahad na may mga nae-encounter raw siya at sinasabihan siyang ang sama niyang anak.

 

“Nakakaloka, kapag nagmo-mall ako, ‘yung mga nanay sa akin, ‘Uy, ang sama ng ugali mo. Nakakatawa.”

 

Nasa huling limang Linggo na lang ang ‘Unbreak My Heart’ na unang collaboration nga ng ABS-CBN, GMA-7 at VIU. Para kay Gabbi, ang nabuo raw niyang closeness kay Jodi ang isa sa babaunin niyang talaga sa UMH.

 

“Si Ate Jodi, isa siya sa mga surprisingly, hindi ko po talaga ine-expect talaga na maging ate ko siya, totoong ate ko siya hindi lang sa industriya but outside the industry.

 

“Sabi nga namin, iba ‘yung connection na na-build namin. Hanggang off-cam, jibe kami. Iba ‘yung closeness na na-build namin, iba ‘yung pagmamahalan namin.

 

 

“Kahit after ng show, pumupunta ko sa bahay niya. Hindi siya taping relationship and it’s rare for me to find that in this industry and I will really, really treasure that.”

 

 

***

 

 

WALANG duda na si Carren Eistrup ang pinaka-prime talent ng Merlion Entertainment artists.

 

 

Ipinakilala muli sa isang trade launch at dito nga nalaman na bukod kay Carren at sa girl group na ‘Calista,’ napakarami na palang mga talented artists ngayon na mina-manage ng kumpanya.

 

May grupo, singers, actor, chef, model, influencers. At sa lahat ng ito, masaya raw si Carren na parami sila nang parami.

 

“I’m very happy kasi Merlion is still new. And I’m happy that a lot of artists are coming and yes, I’m really happy with everything that’s happening right now.”

 

“The pressure is normal kasi, para sa akin po talaga nakatutok ang mga tao. Kasi nga, host and everything. Pero, everyone naman po is talented.”

 

Inamin naman ni Carren, nararamdaman naman daw niya na sa lahat, parang siya talaga ang considered the prime talent.

 

“Actually, yes, parang after I won the ‘Bida Next,’ they helped me to become better performer and sa showbiz, you have to keep improving.”

 

Nang magkaroon ng isyu sa pagitan ng dating Eat Bulaga at TAPE, Incorporated, inamin ni Carren na naapektuhan din siya.

 

“It’s so heartbreaking talaga,” sabi niya.

 

“Actually, natakot talaga ‘ko. Kaka-panalo ko lang and it started going downhill. So, I was so stressed. Tapos, kami ni Mommy, we had like a discussion kung ano ang gagawin ko.

 

 

“And I stayed with TVJ because I know, I’m happy with them. I know, they will treat me right and help me grow to become better.”

 

Masaya rin si Carren dahil may bago pa silang dabarkads, si Atasha Muhlach na kunsaan, inamin ni Carren na noong una, na-starstruck daw siya rito.

 

“Ang cute po ni Ate Atasha noong unang pasok niya. Kasi, kaming lahat na dabarkads, hindi namin alam na may bagong dabarkads pala na papasukin.

 

 

“Noong pinasok siya sa ‘Gimme 5’, grabe I was so shock kasi, I see her all the time. Kasi, anak po siya ni Aga Muhlach. Parang na-starstruck lang ako.

 

“She’s very kind, she’s very pretty and parang food buddy ko siya, kasi, kumakain kami palagi. Atasha’s favorite food is pancit,” natawang kuwento niya.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

    Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).     Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.     Ito na ang ika-14 na araw na […]

  • WARNER Bros. Drops Full Synopsis of R-Rated ’Mortal Kombat’

    WARNER Bros. finally dropped the full synopsis of Mortal Kombat just days after its first-look images were revealed.                           The latest movie remake of the Mortal Kombat franchise is coming this April 16 in theaters and on HBO Max. And to pump up the excitement among fans, more details about the film have been revealed. Check out the […]

  • CLEARING OPERATION SA PORT AREA, NAGING MAAYOS

    NAGSAGAWA ng clearing operation ang mga tauhan ng Department of Public Safety, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police District (MPD), ang mga iligal na tindahan sa kahabaan ng Roberto Oca St. Kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.   Dakong 10:30 ng umaga nang dumating ang grupo sa lugar para tanggalin ang […]