• April 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, pinapurihan ang Senate President sa mabusising preparasyon sa impeachment trial

PINAPURIHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Senate President Francis “Chiz” Escudero at ang liderato ng senado sa kanilang mabusising preparasyon para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hunyo.

“The Senate has shown its commitment to upholding due process and ensuring a fair and impartial impeachment trial. I extend my deepest gratitude to Senate President Escudero and the entire Senate for their readiness and professionalism in handling this historic proceeding,” ani Romualdez.

Nagawa na aniya ng Kamara ang parte nito sa pagsusumite ng Articles of Impeachment, at handa na rin ang prosecution panel para iprisinta ang kaso sa sandaling magsimula na ang pagdinig ng impeachment court.

“ We trust that the Senate will carry out its constitutional duty and proceed with the trial without unnecessary delays, in accordance with the rule of law,” dagdag nito.

Ang pahayag ng speaker ay matapos ang isinagawang pagbisita at inspeksyon ni House Secretary General Reginald Velasco at iba pang opisyal ng kamara sa gagamiting pasilidad sa senado na inilaan sa House prosecution team.

“Nakita natin sa pagbisita ng ating House Secretary General sa Senado ang kahandaan ng ating mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan. Napakahalaga ng maaga at maayos na paghahanda upang matiyak ang kaayusan pagdating ng impeachment trial,” aniya.

Unang binisita nina Velasco ang Senate session hall, na magsisilbing venue para sa trial, at sa Sen. Arturo M. Tolentino Room, na siyang itinalagang opisina para sa House prosecutors.

Siniguro ni Speaker Romualdez sa publiko na handa na ang House prosecution team para iprisinta ang kaso anumang oras na buksan ang Impeachment Court. (Vina de Guzman)

Other News
  • Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare

    KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa.   Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit.   Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, […]

  • Obiena, PATAFA gumulo pa

    SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.     Hindi gumalaw ang […]

  • Sec. Lorenzana ‘stable’ ang kondisyon matapos mahilo, nasa hospital ngayon at nagpapahinga – DND

    NASA maayos na kalagayan ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos na mahilo habang dumadalo sa programa ng ika-124th Independence Day ngayong araw, June 12,2022.     Ayon kay DND head Executive Assistant Peter Paul Galvez, stable ang kalagayan ng kalihim at kasalukuyang nagpapahinga sa isang pribadong hospital.     ” Papahingain muna namin kasi […]