• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residinte ng lungsod.

 

 

 

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.

 

 

 

Maliban sa mga tablet na para sa Special Education learners, nagbigay din si Tiangco ng 500 tablets para sa mga estudyanteng Grade 1 hanggang 12 sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng pondo ng Navotas City Council for the Protection of Children.

 

 

 

Bahagi aniya ito ng mga hakbang upang maging mas inklusibo ang sistema ng edukasyon sa lungsod at bilang tulong sa kahandaan ng mga mag-aaral na Navoteño sa susunod na pasukan.

 

 

 

Hinimok ni Mayor John Rey ang mga estudyante na patuloy na magsikap sa kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap. Siniguro rin niya ang patuloy na pagsulong sa mga proyektong magpapataas pa sa kalidad ng edukasyon sa Navotas.

 

 

 

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” pahayag ni Mayor Tiangco sa kanyang speech sa ginanap na simpleng turnover at distribution ceremony. (Richard Mesa)

Other News
  • Tatanggapin daw ang biopic pag may nag-offer: PIOLO, umani ng sari-saring reaksyon dahil type gumanap na Pres. Marcos

    UMANI ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Piolo Pascual, na gusto niyang gumanap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.   Higit na mas marami ang kumontra at sunod-sunod na negatibong komento ng mga netizen. Pati ang mga loyal fans ng Kapamilya actor ay hindi raw sila pabor na gawin ni […]

  • Pope Francis suportado ang pagpapabakuna laban sa COVID-19

    SUPORTADO ni Pope Francis ang national vaccination na isinasagawa ng bawat bansa laban sa COVID-19.     Itinuturing pa nito na ang pagpapabakuna ay isang moral obligation.     Kasabay din nito ay kinondina ng Santo Papa ang mga “baseless” ideological misinformation tungkol sa COVID-19 vaccines.     Sa kanyang talumpati sa “State of the […]

  • 59 milyong botante nakapagparehistro na

    Umabot na sa 59 mil­yong Pinoy sa bansa ang nakapagrehistro o kulang ng dalawang milyon para sa target na 61 milyon botante sa May 9, 2022 national and local elections.     Umaasa si Commission on Elections (Comelec) Director James Jimenez na maaabot nila ang naturang target kahit may apat na buwan na lamang bago […]