• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State of Calamity sa Luzon, epektibo hangga’t hindi binabawi ni PDu30

MANANATILING epektibo ang State of Calamity sa Luzon hangga’t hindi ito binabawi ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

 

Ito ang nakasaad sa proklamasyon na ipinalabas ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.

 

Inilagay ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng  State of Calamity matapos manalasa ang mga bagyong  Quinta, Rolly at Ulysses sa mga nakalipas na linggo na naging dahilan ng malawak na pinsala sa  agricultural crops at imprastraktura at matinding pagkagambala sa buhay ng  libong mga Filipino.

 

“The declaration of state of calamity will hasten the rescue, relief and rehabilitation efforts of the government and the private sector, including any humanitarian assistance,” ang nakasaad sa Proclamation 1051.

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isailalim sa State of Calamity ang buong isla ng Luzon.

 

Sa ilalim ng State of  Calamity,  awtomatikong may price freeze ang mga pangunahing bilihin para sa lahat ng implementing agencies ng Price Act para sa lahat ng lugar na deklaradong nasa ilalim ng State of Calamity.

 

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagay na ito.

 

Gaya na lamang ani Sec. Roque, ang Department of Agriculture ay may price freeze ang  “bigas, mais, cooking oil, dried at iba pang marine products, fresh eggs, fresh pork, beef at vegetables, root crops, sugar at fresh fruits”

 

Department of Trade and Industry: “canned fish at iba pang marine products, processed milk, kape, laundry soap, detergent, kandila, tinapay, asin,  potable water sa bote  at containers, locally-manufactured instant noodles”

 

Department of Environment and Natural Resources : “firewood at charcoal”

 

Department of Health: “drugs classified essential by DOH”

 

Department of Energy:  “household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene

 

Tiniyak naman ng Ehekutibo na ang lahat ng  departmento at concerned agencies ay nagtutulungan para sa “rescue, recovery, relief and rehabilitation of affected areas and residents.” (DARIS JOSE)

Other News
  • 2 timbog sa baril, shabu, marijuana oil at kush sa Valenzuela drug bust

    LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug […]

  • SHARON, nag-trending at willing na gumanap bilang Doctor Foster ng ‘Pinas

    ISA sa upcoming TV projects ng ABS-CBN ay ang local version ng Doctor Foster na mas sikat sa South Korean version na The World of the Married.     Bagamat wala pang announcement ang ABS-CBN kung sino ang mga artista who will play the important roles sa serye, suggestion ng mga fans ni Megastar Sharon […]

  • PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan

    BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang  kakaibang katapangan at giting sa  pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan.     Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino  na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]