SUNSHINE, ‘one take actress’ ang tawag kay BARBIE na first time lang nakasama sa teleserye
- Published on February 4, 2022
- by @peoplesbalita
THANKFUL si Luane Dy, na mild lamang ang tumama sa kanilang Covid-19 virus, sa pagsi-share niya nito sa 24 Oras.
Sila ng husband niyang si Kapuso actor Carlo Gonzales at ang anak nilang si Christiano ang tinamaan nito. Una raw nagkaroon si Christiano ng symptoms pero isang araw lamang nagkasakit ang anak nila at gumaling na. Nagtaka raw lamang sila ni Carlo kung kanino nahawa dahil hindi naman sila madalas lumabas ng bahay.
Kuwento pa ni Luane, naka-isolate sila sa kani-kanilang room at dinadalhan lamang sila ng pagkain na nakalagay na sa disposable na lalagyan para pagkatapos nilang kumain, diretso na sa trash bin ang mga ginamit nila.
Dagdag pa ni Luane parang nakatanggap siya ng special gift noong January 25, dahil birthday niya, na gumaling na siya at nakalabas na sa room kung saan siya naka-isolate at nakasama ang kanyang mag-ama.
***
“ONE take actress” ang tawag ni Sunshine Cruz kay Barbie Forteza na first time lamang niyang nakasama sa GMA Telebabad, ang primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune, a co-production venture ng GMA at Regal Entertainment.
Inamin ni Sunshine na matagal-tagal na rin siya sa showbiz, pero kinakabahan pa rin siya, lalo na kung nakakaeksena niya ang mga veteran actresses na tulad nina Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, Almira Muhlach at Maricel Laxa.
“Kaya during takes, I always give my best effort in everything that I do,” saad ni Sunshine sa isang interview.
“At napahanga rin ako nang makasama ko rito si Barbie Forteza, na kinilala nang Best Actress in the 2016 Fantasporto International Film Festival held in Portugal. Dito sa serye namin, she is Steffi Dy, perfect sa kanya ang role bilang trusted kong secretary, ang galling niya kahit puro monologues, ha, I am really impressed sa kanya.”
Kaya nagpasalamat si Sunshine, sa isang virtual conference para sa serye, dahil nakasama niya rito ang mga veterans at young co-stars na pawang mga mahuhusay din.
Inamin niyang ang dami pa pala niyang kailangan i-improve when it comes to acting, na bawat eksenang gawin niya ay isang learning process para sa kanya, kaya lagi niyang pinagbubutihan ang acting niya sa bawat project na gawin niya.
Ang Mano Po Legacy: The Family Fortune ay napapanood gabi-gabi at 9:35 PM. Pero ibinalita na ni Sunshine na simula sa Monday, February 7, malilipat sila sa mas maagang time slot, 8:50PM, bilang Chinese New Year treat para sa mga avid viewers nila. Papalitan nila ang iiwanang timeslot ng I Can See You: AlterNate na magtatapos na ngayong gabi, February 4.
Ang serye ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes in a dual role, with Beauty Gonzalez, Jackie Lou Blanco, actor-director Ricky Davao, with the special participation of Kapuso actor Dion Ignacio, na stand-in actor ni Dingdong as Nate and Michael.
***
NASA bubble taping pa si Kapuso actor Mark Herras at ang buong cast ng bagong GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247, kaya na-miss niya ang first birthday celebration ni Corky, ang panganay nila ng wife niyang si Kapuso actress Nicole Donesa.
Kaya si Mark, nag-post na lamang sa kanyang Instagram ng pagbati sa anak: “Sorry wala si Daddy, nasa work, pero alam mo naman na para ito sa inyo ng mammeeh mo. Syempre nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil dumating ka sa amin! We love you so much Corky, wala na kaming pwedeng hilingin pa! Love you ‘nak!!”
Siguradong babawi na lamang si Mark sa anak kapag nakalabas na sila sa bubble taping ng serye na nagtatampok din kina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Kris Bernal.
Malapit na ring mapanood ang Artikulo 247 sa GMA-7 this February.
(NORA CALDERON)
-
LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants. Tinukoy nito ang nasa […]
-
Kapag napatunayang nagkasala sa ‘ crimes against humanity’: Dating PDU30, maaaring magbuno ng 30 taon o habambuhay na pagkabilanggo
MAAARING maharap si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa 30 taon na pagkabilanggo o habambuhay na pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala sa ‘crimes against humanity’ ng International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa kanyang war on drugs. “Based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment but it depends upon […]
-
2020 Thunderbird Challenge, ilalarga
ITATAMPOK ang mga matagumpay at bagong sumisikat na mananabong ng North Luzon at Metro Manila sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20. Lahat ng maging regional qualifier ang mga hahamon sa Thunderbird National Endorser na kinabibilangan nina Abraham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, […]