• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUNSHINE, tahimik lang sa balitang lumipat na ng ABS-CBN; unang serye, makakasama sina PAULO at JANINE

TAHIMIK lang ang actress na si Sunshine Dizon kahit na naglalabasan na ang mga balitang lumipat na siya ng ABS-CBN mula sa pagiging isang Kapuso.

 

 

Ang daming nagulat sa totoo lang bilang si Sunshine ang isa sa masasabing Kapuso all through-out her career.

 

 

Wala rin statement na inilalabas pa ang kanyang talent management, ang PPL Entertainment, Inc. Pero, nag-Instagram Live ang kanyang manager na si Perry Lansigan at nang may magtanong tungkol sa isyu ng paglipat ni Sunshine ng network, paulit-ulit lang siyang sumagot na dapat, ang artista raw ang sinusuportahan kung nasaan man ito, lalo na at kung sinasabi na fan ka ng particular na artista.

 

 

Pero may nagsulat at nakalabas na nga na kasama si Sunshine sa naging storycon ng unang serye na pagbibidahan ni Janine Gutierrez opposites Paulo Avelino.  

 

 

Yes, tatlo silang mga dating Kapuso.

 

 

***

 

 

ISA kami sa nakakita na madalas nag-i-interact sa Twitter at Instagram ang bagong magkapareha ngayon na Kapuso stars, ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose at ang Kapuso Hunk na si David Licauco.

 

 

Pansin din naman kasi na parang may kakaibang real kilig ang dalawa mula nang magsimulang magkasama at mag-lock-in taping para sa kanilang unang serye, ang Heartful Café.

 

 

Kaya siguro ang mga tagahanga ni Julie Anne, iba rin ang suporta at kilig sa kanilang dalawa kahit na sa Lunes, April 26 pa sa GMA-7 at GMA Heart of Asia magsisimula silang mapanood.

 

 

     “Well, actually noong start nga, nagugulat ako, yung attention, ang dami, e. Hindi ko na-experience before,” sabi ni David.

 

 

Kaya napaisip daw siya na baka ganun talaga ang mga fans ni Julie sa mga nagiging leading men nito. Pero kinumpirma nga raw sa kanya ni Julie na iba ngayon.

 

 

Aniya, “Inisip ko baka even sa mga naging partner niya, gano’n ang mga fans niya. But then, I asked her na baka naman ganun lang silang lahat na nali-link na pair mo. But then, Julie answered na hindi, ngayon lang sila kinilig.

 

 

     “Wow, napaka-ano pala, baka nga it might work. At nakakatuwa ang mga fans niya kasi, kahit na ano ang gawin ko, almost every day nagtatanong sila, wala bang, uy, wala bang post about Julie?  Nakakatuwa lang na nakakapagpa-happy ka ng mga fans.”

 

 

Sa isang banda, trailer pa lang ng Heartful Café ay mukhang kakaiba nga ang kilig na ihahatid ng dalawa. Kaya no wonder, when David was asked kung ano ang mamimiss niya kay Julie, hindi raw siguro niya ito mamimiss dahil feel niya or hoping siya na magkakasama pa rin sila sa susunod nilang projects. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Hindi pa rin lusot ang mga board members dahil magkakaroon ng hiwalay na asunto laban sa mga ito

    INAPRUBAHAN na ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang committee report ng ginawang imbestigasyon patungkol sa isyu ng graft and corruption sa PhilHealth.   Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, aprubado na ang committee report “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas […]

  • P8 bilyong pisong intelligence fund, gagamitin sa mga terorista, komunista at drug lords- Sec. Roque

    PATULOY pa rin ang banta ng mga terorista, Islamic State of Iraq and Syria (ISIS), komunista at mga drug lords kahit may pandemya.   Dito ani Presidential Spokesperson Harry Roque mapupunta ang P8 bilyong piso sa national budget para sa surveillance ngayong taon. “Hindi naman ibig sabihin na pandemya ay tigil na muna ang terorismo. […]

  • ‘Senior citizen’ na ang Divine Diva next year: ZSA ZSA, pinaghahandaan na ang 40th anniversary concert

    THIS year pala ang 40th anniversary celebration ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla kaya looking forward na siya at pinaghahandaan ang bonggang concert na magaganap sa Resort World Manila.     Isa nga ito sa naibahagi ni Zsa Zsa nang makatsikahan namin noong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa kanilang vacation home na Casa Esperanza, natatagpuan […]