• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taas-pasahe ng LRT-1 at LRT-2, larga na

NAGSIMULA na Agosto 2, ang pagpapatupad ng taas-pasahe ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 (LRT-2).

 

 

Alinsunod ito sa taas-pasahe na inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang minimum boarding fee para sa mga naturang rail lines ay nasa P13.29 mula sa kasalukuyang P11.

 

 

Samantala, ang inaprubahan namang per ki­lometer rate ay nasa P1.21 mula sa kasalukuyang P1.00.

 

 

Batay sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na nangangasiwa sa operasyon ng LRT- 1, ang bagong minimum na pasahe sa LRT-1 ay P14 na at ang maximum naman ay P35 para sa Store Value Cards (SVCs).

 

 

Para naman sa Single Journey Tickets (SJTs), ito ay nagkakahalaga ng P15 hanggang P35.

 

 

Sinabi naman ng DOTr na mula sa kasalukuyang P12 minimum na pamasahe sa stored value o beep card ng LRT-2, ay magiging P14 na ito.

 

 

Magiging P33 naman ang maximum fare mula Recto Station hanggang Antipolo Station, mula sa dating P28.

 

 

Kung gagamit anila ng SJT ang pasahero, mananatili sa P15 ang mimimum fare habang P35 ang maximum fare mula sa kasalukuyang P30.

 

 

Ayon sa DOTr, ang karagdagang pamasahe ay gagamitin para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng LRT-2.

 

 

Nabatid na taong 2015 pa ng huling inaprubahan ang fare adjustment para sa naturang rail lines.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2, na magbibigay pa rin sila ng 20% discount sa mga pasaherong senior citizen, person with disability (PWD) at mga estudyante.

 

 

Pinapayuhan din ng LRTA ang mga pasahero na gu­mamit ng stored value card o beep card para makatipid at makaiwas sa abala. (Gene Adsuara)

Other News
  • Covid-19 vaccine ng Russia na inalok sa Pinas kailangan munang dumaan sa FDA

    KAILANGAN pa rin na dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-developed nito laban sa COVID . Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na ipinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin. Kailangan aniyang dumaan ang Covid-19 vaccine […]

  • Bettina Carlos says she married Mikki Eduardo “twice and on the same day”

    Pabirong nagpakilala si Bettina Carlos bilang “COVID bride” matapos ikasal sa non-showbiz fiancé niyang si Mikki Eduardo.   Si Bettina ay dating GMA-7 star at co-host sa cooking show na Idol Sa Kusina. Napanood din siya bilang supporting cast member sa mga teleseryeng Sa Piling Ni Nanay, Because of You, at My Husband’s Lover.   Pero tatlong taon nang hindi aktibo […]

  • Community transmission ng Delta variant sa Pinas kumpirmado

    May nagaganap ng community transmission ng Delta variant sa bansa sa gitna ng tumitinding pagsipa ng mga kaso nito kahit wala pang natutukoy kung saan nagmula.     Ayon kay Philippine Genome Center (PGC) Exe­cutive Director Dr. Cynthia Saloma, dahil sa kalat na kalat na sa iba’t-ibang  rehiyon sa Pilipinas ang Delta variant, para sa […]