• April 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taga-showbiz na kakandidato, ‘di dapat matamatahin: Sen. BONG, pinayuhan ang mga bagong sasabak sa pulitika na isapuso ang paglilingkod

OBSERBASYON sa nakausap namin na isang kilalang showbiz insider na higit na mas marami raw ngayon ang taga-showbiz ang nagnanais pasukin ang pulitika para makapaglingkod.

 

Pinangunahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na naging ehemplo ng mga taga-showbis pagdating sa public servant, ang naghain ng kanyang COC.

 

Tatakbong gobernador muli ng Batangas si Ate Vi kasama ang mga anak niyang sina Luis Manzano for vice governor at Ryan Christian naman as congressman ng Lipa, Batangas.

 

Nag-file na rin si Nora Aunor bilang second nominee naman ng People’s Champ party list.

 

Tatakbong muli bilang senador ba sina Sen. Bong Revilla, Tito Sotto, Lito Lapid at iba pa. Tatakbo na rin sina Philip Salvador, Willie Revillame. Mga kunsehal naman sina Abby Viduya, Mocca Uson, Angelu De Leon, Joaquin Domagoso, Aljur Abrenica at iba pa.

 

Sa vice mayor naman ay andyan ang magkatunggali na sina Yul Servo at Chi Atienza and after ng ilang taon bilang chairman ay susubok si Angelika Dela Cruz bilang vice mayor ng Malabon.

 

May kanya-kanyang kasamang mga supporters sa kanilang paghain ng COC pero ang may pinakamaraming nag-aabang sa kanya ay ang nagbabalik Manila mayor aspirant na si Isko Moreno.

 

Kung ang pamilya ni Ate Vi ay full support ang mga Batangueño ay sinuportahan naman ng mga taga-Cavite ang mga Revilla.

 

Hiningan namin siya ng pahayag kaugnay sa mga artistang ngayon pa lang susubok sa pulitika.

 

***

 

NAGBIGAY naman ng komento si Sen. Bong Revilla hinggil sa mga sinasabi ng iba na ang mga taga-showbiz na walang karapatang pasukin ang mundo ng pulitika.

 

“Ang masasabi ko sa mga papasok na mga bago, basta lagi nyo isasapuso yung kalagayan ng ating mahihirap na kababayan.

 

“Sa tingin ko naman, hindi natin puwedeng matahin kahit sino man. Karapatan nilang magsilbi, as long as nasa puso nilang magsilbi at pagmamahal sa bayan. Yun naman ang pinakaimportante,” sey pa ng senador.

 

Dagdag pa ni Sen. Bong sa interbyu sa kanya ni katotong Gorgy Rula na hindi raw naman napapaloob sa constitution na kailangan tapos sa kolehiyo o dapat isang abogado ang tumakbo sa kahit anumang posisyon, huh!

 

“Wala naman sinabi sa batas o sa constitution na kailangan kang maging abogado para ikaw ay pumasok sa pagsisilbi sa bayan,” lahad ng asawa ni Cong. Lani Mercado, na naghain din ng kanyang COC.

 

Sana naman sa mga tatakbong artista at kapag pinalad na manalo sa prosisyong nais nilang pasukin ay dapat daw na mag-aral, lalo na yung mga kulang pa talaga sa karanasan bilang public servant.

 

Ehemplo dito si Ate Vi na after manalo noon bilang mayor ng Lipa ay nag-enroll sa University of the Philippines para sa isang crash course.

 

Bago naman nagdesisyong tumakbong gobernador ay nakagawa ng pelikula si Ate Vi na ilang araw na lang ay matatapos na.

 

Ito yung pelikulang “Univited” na malaki ang posibilidad ba maihabol sa darating ba Metro Manila Film festival.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Warrant of arrest naisilbi na vs Quiboloy – PNP

    NAIHAIN na ng ­Philippine National Police (PNP) ang 2 warrant of arrest sa kasong Child Abuse  at  Sexual abuse na ipinalabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at 5 iba pang mga akusado, nitong Miyerkules.     Ayon kay BGen Alden Delvo, Davao Region Police Director, […]

  • Petisyon ng Light Rail Manila Corporation’s (LRMC) para sa taas pasahe, kinondena ng mambabatas

    KINONDENA ni dating Bayan Muna Congressman Ferdinand Gaite ang petisyon ng Light Rail Manila Corporation’s (LRMC) para sa taas pasahe. Tinawag pa nitong “heartless and unconscionable” ang hinihingi nilang dagdag pasahe na posibleng umabot sa P12.50 per ride. “Walang-pusong timing ang LRMC. Nanghihingi sila ng dagdag-pasahe na aabot sa P12.50 kada biyahe habang 63% ng […]

  • PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar

    Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.     Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag […]