• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tapales WBC Asian Continental champion

PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

 

 

 

Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew ng Thailand sa 2:15 marka sa first round.

 

 

 

Sa umpisa pa lang ng laban, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tapales nang rumatsada agad ito ng kaliwa’t kanang kumbinasyon para mapabagsak ng dalawang beses ang Thai pug.

 

 

 

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Tapales nang muli itong bumanat ng solidong atake dahilan para magulpi ng husto si Jankaew at tuluyan nang itigil ng referee ang laban.

 

 

Ito ang ika-20 knockout win ni Tapales para uma­ngat ang rekord ng Pinoy champion sa 38-4.

 

 

Bagsak naman ang Thai fighter sa 12-4 marka.

 

 

 

Hindi naman pinalad ang isa pang Pinoy bet at dating world title challenger na si Reymart Gaballo matapos matalo kay Mexican boxer Kenbun Torres.

Other News
  • 4 na tulak timbog sa shabu at damo

    APAT na hinihinalang drug pushers ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-3 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcemen Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. […]

  • MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains

    Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines.   Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng […]

  • Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes

    CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.   Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang […]