Taxi driver tinodas ng riding-bicycle
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
Dedbol ang isang 43-anyos na taxi driver matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang riding-bicycle gunman habang nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Angela Rejano, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Eduard Nonong, ng 51 Kaingin Road, Balintawak, Quezon city.
Habang ang suspek na nakasuot ng brown t-shirt ay mabilis na tumakas sakay ng bisikleta patungong Del Monte Avenue, Brgy. Potrero matapos ang pamamaril.
Sa imbestigasyon ni homicide investigator P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 4 ng hapon, nakatayo ang biktima sa kahabaan ng Banana Road, malapit sa Victoria Court sa Brgy. Potrero nang lumapit mula sa likod ang suspek na sakay ng bisikleta at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Nonong.
Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na rumesponde sa crime scene subalit, nabigo ang mga ito na maaresto ang suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)
-
PBBM sa ₱20 per kilo na bigas ‘We’re doing everything’
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matupad ang kanyang 2022 campaign promise na bawasan ang presyo ng bigas sa ₱20 kada kilo. Araw ng Lunes, inamin ng Pangulo na hindi pa nya natutupad ang kanyang pangako. “Iyon pa rin ‘yung […]
-
Fernandez humirit sa DBM
NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon. Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 […]
-
11 SHOW CAUSE ORDER, INISYU NG DPWH
MAHIGIT sa 11 show cause order ang inisyu ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga kawani na nahaharap sa mga alegasyon ng katiwalian. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay virtual media forum, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nakikipag-uganayan na ang kanyang tanggapan kay Justice Sec. Menardo Guevarra mula […]