Tennis legend Serena Williams naiyak matapos matalo sa 3rd round ng US Open, pero magreretiro na nga ba?
- Published on September 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAPUNO ng emosyon ang pagtatapos ng laro ng tennis legend na si Serena Williams makaraang matalo sa third round sa US Open kay Ajla Tomljanovic ng Australia sa score na 7-5, 6-7 (4), 6-1.
Naiyak si Williams lalo na at dumadagundong sa pag-cheer sa kanya ang mahigit 23,000 fans na bumuhos sa Arthur Ashe Stadium upang panoorin ang sinasabing huling laro sa kanyang career.
“I don’t really give up,” ani Williams. “In my career I’ve never given up. In matches I don’t give up. Definitely wasn’t giving up tonight.”
Sa kabila na 40-anyos na si Williams, hindi naman kaagad siya tumiklop sa kalaban na mas bata at 29-anyos lamang na si Ajla na inabot ng tatlong oras ang game.
Nag-sorry din naman si Ajla na binigo niya ang fans sabay amin na “idol” niya si Williams.
Samantala, kung sa buong akala ng lahat ay tapos na ang maliligang araw ni Serena sa tennis court, halos urong-sulong pa rin ito at wala pang kategorikal na deklarasyon na retired na nga siya.
Nagpahiwatig pa ang 23-time Grand Slam champion na meron pa siyang ibubuga, kahit may isa na siyang anak at ngayong buwan ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-41 kaarawan.
“Clearly I’m still capable… I’m ready to be a mom explore a different version of Serena,” pahayag pa ni Williams. “Technically in the world, I’m still super young so I want to have a little bit of a life while I’m still walking.”
-
CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility
HINIKAYAT ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan. Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno. […]
-
PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre 24, 2020. Si PA Evasco ay hindi na bago sa Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang […]
-
Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’
Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus. Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating […]