• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘The world is on the brink of a catastrophic moral failure’ – WHO

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na nahaharap ngayon ang mundo sa kabiguan kung hindi maisagawa ang pantay-pantay na pamamahagi ng COVID-19 vaccines.

 

Ginawa ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization (WHO) ang babala kasabay ng WHO executive board session.

 

Ayon kay Dr. Tedros sa ngayon nasa 39 million vaccine doses na ang naipamahagi sa 49 na mga mayayamang mga bansa, samantalang kakarampot na 25 doses pa lamang ang naiturok sa mahihirap na bansa.

 

Tinukoy pa ng namumuno ng WHO na kung ipagpapatuloy ng mayayamang bansa ang sistema na “sila muna,” magdudulot lamang ito ng lalong pagtaas ng presyo ng bakuna, magkakaroon ng hoarding at tatagal pa lalo ang laban sa deadly virus.

 

“I need to be blunt: the world is on the brink of a catastrophic moral failure – and the price of this failure will be paid with lives and livelihoods in the world’s poorest countries,” ani Dr. Tedros. “The situation is compounded by the fact that most manufacturers have prioritized regulatory approval in rich countries where the profits are highest, rather than submitting full dossiers to WHO.”

 

Kasabay nito nanawagan si Ghebreyesus sa lahat ng mga bansa na magsama-sama na sa unang 100 araw ngayong taon ay maisagawa na ang pagbabakuna sa mga health workers at sa mga matatanda.

 

Nagpaalala rin ito sa mga bansa na meron ng umiiral na bilateral contracts at may control sa supply ng mga vaccines na maging bukas sa pinasukang kasunduan sa ilalim ng COVAX ng WHO.

 

“The recent emergence of rapidly-spreading variants makes the rapid and equitable rollout of vaccines all the more important. But we now face the real danger that even as vaccines bring hope to some, they become another brick in the wall of inequality between the world’s haves and have-nots. It’s right that all governments want to prioritize vaccinating their own health workers and older people first. But it’s not right that younger, healthier adults in rich countries are vaccinated before health workers and older people in poorer countries.”

Other News
  • Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas

    NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.   Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.   “Maganda […]

  • Panukala sa binagong Wildlife Resources Conservation and Protection Act, aprubado na

    Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang draft substitute bill na naglalayong baguhin ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na tinalakay sa isang online na pagdinig.   Ang substitute bill ay para sa House Bill 265 na inihain ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, HB […]

  • Boyfriend ni NADINE na si CHRISTOPHE, itinangging ‘engaged’ na sila

    MARAMI ang nagtanong na netizens kung engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Cristophe Bariou?   Matapos ngang i-post ng premyadong aktres ang love notes sa kanya ni Christophe.   “Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ito ang nakakikilig na hand-written note kay Nadine. […]