Tiniyak na may libreng sakay
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang Malakanyang na hindi dapat magkaroon ng talagang matinding problema ang mga mananakay ngayon at nagsisimula na ang 7 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.
Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman sinuspinde ng pamahalaan ang public transportation sa ipinatutupad ngayong ECQ sa mga nasabing lugar.
“Hindi kagaya noong unang ECQ. Ngayon tuloy po ang mga pampublikong sasakyan, kaya nga lang istrikto na 50% capacity at saka iyong seating capacity. So hindi totoo na dapat maging problema iyan, dahil unang-una halos lahat ng industriya, kaunti lang po iyong industriyang pinayagan nating bukas, lahat po tayo ngayon homeliners,” ayon kay Sec. Roque.
At kahit aniya pa nagbawas ng public transportation ay masasabing sapat pa rin ito dahil ipinagbawal na ring lumabas ang 18 years old pababa at ang 65 years old pataas.
“Natuto na tayo noong leksiyon noong unang ECQ na naglalakad ang ating mga kababayan. So pinayagan natin ang halos lahat ng pampublikong transportasyon,” aniya pa rin.
“Ito nga iyong mga transportation na allowed nasa screen, iyong mga domestic flights hindi natin pinatigil, ang international flights, ang inbound 1,500, allowed ang mga sea vessels, 50% capacity, ang mga tren allowed, ang ating PUVs allowed, ang ating traditional jeepneys allowed. Tapos allowed iyong ating MV express, taxi, TNVS, tricycle, allowed din, iyong ating angkas at saka provincial buses. At siyempre, iyong ating mga frontliners, magpakita po kayo ng ID,” litanya ni Sec. Roque.
Tiniyak din ni Sec. Roque na mayroon ding libreng sakay ang gobyerno.
Napaulat na walang masakyan ang mga pasahero patungo sa kanilang mga trabaho sa unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-probinsya nito.
Sa katunayan, halos nasa gitna na ang mga tao sa kahabaan ng Commonwealth sa Quezon City dahil sa madalang na pampublikong sasakyan. (Daris Jose)
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]
-
PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon. Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries. Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang […]
-
Paraan ng ginawang rejection sa resignation ni Speaker Cayetano ng mga kongresista, legal – Sec. Roque
PARA sa Malakanyang, legal at walang mali sa ginawang botohan sa hanay ng mga Kongresista kasunod ng mosyon ni Congressman Mike Defensor na i- reject ang ginawang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Bilang isang abogado ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang nangyaring paglabag sa rules kaugnay ng nangyari kahapon sa plenaryo […]