• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.

 

Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.

 

Malaking agwat ng edad ng dalawang bida na parang impossible raw. Pero may pahayag naman si Julia hinggil dito.

 

“We’re not trying to normalize anything. We’re not trying to advocate anything. We are storytellers. We wouldn’t have jumped into this production if we knew this would send the wrong message in any way,” katwiran pa ni Julia sa isang interview sa kanya.

 

Dagdag pa rin ni Julia ginawa lang daw nila ni Aga ang mga roles na ibinigay sa kanila. Kumbaga artista lang sila pero binigyan rin naman nila ng timbang ang anumang magiging opinion ng mga nanonood ng pelikula nila.

 

***

 

EMOSYONAL ang si Kathryn Bernardo nang mag-renew ng kanyang exclusive contract bilang talent ng Star Magic ng ABS-CBN.

 

Sa pagpirma ni Kathryn ay natapos na rin ang mga agam-agam at mga bulong-bulungan na iiwan na niya ang pagiging Kapamilya kasunod ng paghihiwalay nila ng ilang taong boyfriend na si Daniel Padilla.

 

Present halos lahat ng mga “bosing” ng Kapamilya network sa pagpirma ni Kathryn bilang suporta nila sa rating dyowa ni Daniel na nasa Siargao daw with Andrea Brillantes.

 

Present sa contract signing ni Kath sina Sir Carlo Katigbak (President and CEO), Chairman Mark Lopez, Maam Cory Vidanes (COO for broadcast), Direk Laurenti Dyogi (Star Magic head and entertainment production) Allan Real (Star Magic marketing head and senior talent manager), Rick Tan (chief finance officer) at si Kriz Gazmen (head of ABS-CBN films).

 

Pahayag pa ng aktres na malaki raw ang kanyang utang na loob sa ABS-CBN. Na itinuring niyang second home na naging daan para sa naging katuparan sa mga pangarap para sa sarili at sa mga mahal niya sa buhay.

 

Dagdag pa niya na tinupad lang daw naman niya ang naging pangakong hindi iiwan ang pagiging Kapamilya.

 

At hindi dahil sa sinasabing pera ang dahilan sa muli niyang pagpirma ng kontrata.

 

***

 

KAGAYA ng Metro Manila Film Festival ay maituring ding success ang first ever Manila Intenational Film Festival na ginanap sa America.

 

Umani ng mga papuri mula sa jam packed crowds na tumangkilik sa mga pelikulang naging entries din sa 2023 MMFF na kung saan nangunguna sa pinipilan ang nga movies na ‘Rewind’, ‘When I Meet You In Tokyo’, ‘Mallari’ at iba pa.

 

Kahit wala sa America ay naramdaman din naman ng mga nanood sa pelikulang WIMYIT ang presensiya ng Star for All Seasons.

 

Sa pamamagitan ng live feed ng dating artista ng kapatid ni Sharmaine Arnaiz na si Bunny Paras nag-video call si Vilma Santos.

 

Ito ay habang nasa stage si Christopher de Leon para sa ‘Talk Back’ na kung saan nagsilbing host si Bunny.

 

Kaya instant na nakausap ni Ate Vi Ang mga nanood ng pelikula nila ni Bro. Boyet na pinipilahan hanggang sa ngayon.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Ex-FIFA President Blatter tinawag na isang pagkakamali ang pagiging host ng Qatar sa FIFA World Cup

    TINAWAG  na isang malaking pagkakamali ni dating FIFA president Sepp Blatter ang pag-award ng 2022 World Cup sa Qatar.     Kasunod ito sa batikos na kinakaharap ng Qatar dahil sa talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao at ang hindi pagkontra sa same-sex relationship ganun din ang hindi magandang trato sa mga migrant workers.   […]

  • Kagyat na tugunan ang terorismo, cybercrime

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hinirang na Philippine National Police (PNP) chief Major General Rommel Francisco Marbil na tulungan ang gobyerno na tugunan ang mga sumusulpot na banta sa kapayapaan at kaayusan sa bansa.     Sa isang seremonya para sa PNP change of command na idinaos sa Camp Crame, Quezon City, […]

  • Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19

    Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.   Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City […]