• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOM HOLLAND, ‘di napigilan na sabihing mahal na mahal niya ang leading lady na si ZENDAYA

HINDI napigilan ang bida ng Marvel film na Spider-Man: No Way Home na si Tom Holland ang sabihing mahal na mahal niya ang leading lady na si Zendaya.

 

 

Sa red carpet premiere ng naturang pelikula na-interview si Holland at sinabi ito ay: “She’s one of the most incredible people I’ve ever met. And I love her to bits. So to be here tonight is amazing. I’m delighted to share it with her.”

 

 

Masaya si Tom na despite the pandemic last year na nagpatigil ng maraming film productions sa Hollywood, natapos pa rin nila ang pelikula para sa mga nag-aabang na mga fans.

 

 

“We’ve all worked so hard to make these movies as special as they are, and to feel the love and the respect from the fans honestly means the world… I’m a little bit numb. I genuinely don’t really know how to feel. But I do know I’m excited and forever grateful,” sey pa ni Tom.

 

 

After Spider-Man, gaganap naman sa isang film project si Tom na biopic ng legendary actor-dancer na si Fred Astaire.

 

 

“I’ve been a tap dancer since I was a young kid. It’s something I’ve done for years and years. It’s kind of a dream role for me and it’s a perfect fit, so I’m very excited to figure it out and see if we can make it happen.”

 

 

      ***

 

 

NABALIK sa pagsali sa singing contest after 15 years ang ka-batch ni Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy na si Panky Trinidad.

 

 

Taong 2006 noong umere ang PDA kunsaan naging Grand Star Winner si Yeng at kabilang sa Top 6 noon sina Ronnie Liang, Jay-R Siaboc, Irish Fullerton, Chad Peralta at si Panky na taga-Cebu City.

 

 

Naging aktibo si Panky ng ilang taon at noong 2009 ay bigla siyang nagdesisyon na bumalik sa Cebu. Ngayon ay daily contender na siya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’. Nakilala siya ng mga hurado dahil naging weekly performer din si Panky noon sa ASAP dahil sa PDA.

 

 

Inamin ni Panky na matagal siyang hindi kumanta sa harapan ng maraming tao dahil natatakot siya na baka hindi na siya matanggap ulit ng mga tao. Pinagsisihan din daw niya na naging pabaya siya sa kanyang career noon.

 

 

“Hindi ko naalagaan ‘yung showbiz career ko. Alam mo ‘yung bata ka pa, immature. Lumaki ang ulo ko noon. ‘Yung feeling mo ang isang bagay, nandiyan lang, hindi mawawala. Sayang. Ngayong alam ko na panghawakan ang sarili ko,” sey ni Panky na binigyan pa noon ng titulo na Pop Rock Princess.

 

 

Pinayuhan si Panky ng TNT hurado na si Ogie Alcasid: “God is not only a God of second chances; He is a God of many more chances. So take it. If you make it, your next performance, kill it. Because you have it. You have it in you.”

 

 

***

 

 

EXCITED na makauwi si Wendell Ramos sa kanilang bahay pagkatapos ng 85-day lock-in taping para sa book 2 ng GMA teleserye na Prima Donnas.

 

 

Matagal na raw sabik ang aktor na makarga ang newly born baby girl niya na si Mary Mardell Ann Ramos na pinanganak noong October 27 habang nasa lock-in taping siya.

 

 

Hanggang video call lang daw nakikita ni Wendell ang kanyang bagong baby, kaya noong ma-pack-up na ang taping, diretso uwi ang aktor para makita na ng personal ang baby girl niya.

 

 

Sinalubong din si Wendell ng 15-year old daughter niya na si Tanya na isang certified Daddy’s Girl dahil niyakap niya ng mahigpit ang kanyang daddy na na-miss niya for three months.

 

 

Nagpapasalamat si Wendell na natapos nila ang taping ng buong teleserye bago mag-Christmas. Kaya puwedeng mag-relax at magbakasyon si Wendell kasama ang kanyang pamilya ngayong Pasko at New Year.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pinatutupad na NCR Plus bubble, hindi nangangahulugan ng kawalan ng ayuda ng gobyerno

    SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan.   Ang NCR Plus bubble ay polisiya na naglilimita sa galaw ng essential travel subalit hinahayaan ang mga negosyo na mag-operate sa gitna ng pagtaas ng […]

  • 450 solo parents tumanggap ng cash aid

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.     May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.     Kasama sa ikaapat na batch ng […]

  • Kung bakit hindi nagsuot ng ‘pink shirt’… ANGEL, ayaw mahaluan ng pulitika ang pagbibigay niya ng relief goods

    IPINALIWANG ng aktres at kilala ring philanthropist na si Angel Locsin, kung bakit hindi niya sa nagsusuot ng ‘pink shirt’ habang nagdi-distribute ng relief goods sa typhoon victims.     Alam naman ng lahat na very vocal na supporter si Angel sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.     May isa kasing follower […]