• April 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TONI, ni-reveal na si PEPE ang leading man sa ‘My Sassy Girl’; 2006 pa gustong gawin ang remake

KATULAD ng pinangako ng TinCan Films, magkakaroon ng separate announcement sa magiging leading man ni Toni Gonzaga, matapos na I-reveal na ang tv host/actress ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit romcom movie na My Sassy Girl.

 

 

Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook page at twitter last Monday, January 25 na si Pepe Herrera ang napili nila, kasama ang mga photos kuha sa set ng kanilang movie.

 

 

“Grateful for your warm response for our Sassy Girl. Today, let us celebrate the guy who will tell her story. We are proud to share with you Pepe Herrera as our leading man for My Sassy Girl,” post ng TinCan Films.

 

 

As expected, may kanya-kanya na namang comment ang netizens. Marami naman ang nagkagusto at na-excite sa tambalan Toni at Pepe, dahil sa totoo lang mahusay na aktor ang huli.

 

 

Meron din ‘di natuwa dahil may mas bagay sa role tulad nina Vhong Navarro at Janus del Prado na naka-partner na ng sister ni Alex Gonzaga.

 

 

Ilan nga sa naging comments:

 

“Funny si pepe herera pero hindi masyadong matanda sila sa role.

“Porket sikat sa netflix si Pepe yun din kukunin kahit hindi bagay.

“Mas bet ko si Janus! May chemistry dn sila sa 4 sisters.

“Nang dahil kay Pepe Herrera, gusto kong panuorin ito.

“This guy is so underrated.

“I love Pepe! He is a good actor.

“Bagay sila.

“gonna watch because of pepe.

“sana sina alex at empoy na lang ulit.

“Waiting for the “tabo” scene ung sa hotel..hahahhahah..

“Bagay kay Pepe! Mukha syang uto-uto katulad ng character ni Cha Tae Hyun.

“Akala ko tlga si Vhong.. nung nakita ko trailer natuwa ako kasi si Pepe naman pla.. bagay na bagay sknya ang role!

“Wala na bang iba??

“Sana kay Empoy na lang binigay ang role.

“wow trying to replicate kita kita formula.

“i like pepe so i’d probly give this film a chance.

Meron pa rin talaga na hindi maka-move on na si Toni ang gaganap sa PH remake ng My Sassy Girl.

Sey nila, “Okay lang, still a better leading lady would’ve made the big difference.

“After ng action movie ni Toni with Sam and Zanjoe yung “you got me” a few years ago tingin ko talaga sa kanya is our filipino version of Jun ji hyun. Of course di sila magka level haha pero if with long hair si toni she could pass as her.

“Yun nga eh. Dapat years ago pa to ginawa. Old na Toni now 🙁

“Serioso ba talaga na si toni?? Dapat kay kim chui nalang para mas bagets.

“In fairness naman kasi kapag romcom, Toni G talaga.”

 

Sa vlog naman ni Toni, inamin na isa ito sa greatest achievements sa showbiz career niya, dahil 2006 pa pala niya ito gustong gawin.

 

 

Hindi raw niya malilimutan nang unang mapanood ang ‘My Sassy Girl’ sa set ng romcom movie nila ni Sam Milby na You Are the One, 15 years ago, dahil sinabi ni Direk CathyGarcia-Molina.

 

 

Iyan ang peg namin sa ‘yo. Dapat ganiyan ka, may pagka-feisty, pag-alala niya sa tinuran ng kanilang direktor.

 

 

***

 

 

NAG-REACT si KC Montero sa tanong ng netizens na maka-cancell na ba ang Lunch Out Loud tulad nang nangyari sa Sunday Noontime Live, dahil last Saturday ay bakit daw nagpalabas ng best of LOL episodes?

 

 

Reply ni KC noong January 21, “We’re taping as you tweet.”

 

 

May pang-inis na post naman ang ViralPost TV, tsugi na raw ang LOL at papalitan na ng It’s Showtime.  Season ender na kasi at karma nila ‘yun.

 

 

“Nope… we’re just doing fine. Back to normal on Monday (January 25),” sagot niya.

 

 

May nag-tweet pa na ang noontime show na raw nina Vice Ganda ang papalit sa ‘LOL’ next month dahil lugi na raw talaga si Congressman Albee Benitez na madiing itinanggi ni KC.

 

 

And this week, tuloy-tuloy nga sa pag-ere sa TV5 ng Lunch Out Loud nina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, K Brosas and company, na hopefully magtagal talaga ng ilang seasons.

 

 

Pinatulan naman ng netizens ang haka-haka at ang pagri-react ni KC:

 

“I don’t believe you KC just like the tactics you did sa muph.

“Bad news if its true. LUNCH out Loud is way better than the trash Its Showtime.

“call it trash all u want, but remember, may pera sa “basura”. Haha! Antay ka na lang, susunod na yan sa SNL.

“Aminin nyo dahil sa ASAP nagka online engagement kayo.

“pinapaalala ko lang, sila may prankisa ang asap ang nakiki prankisa.

“Malaki ang possibility.. knowing abscbn walang impossible s knla.. der dirty games & tactics never changed! Sbgay Khit aq di dn inasahan n c pduts lng pla mgppbgsak s knla ol dis tym.

“Bakit naman eh maraming fans si alex G the queen of vlogger na nanonood sa palabaz na yan!

“I love watching Lunch Out Loud but only on you tube. Wala kasi ditong TV5. I Only have TFC. The first time I saw LOL, I got hooked. I hope it stays.

“Yes me too. Better than the overrated vice ganda show.

“Masyadong defensive si KC. Hindi siya ganyan kung hindi namimiligro ang show.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Boss’ ng mga tulak, kulong sa P5.1M droga sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw. Kinilala ni Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) Chief PLTCOL Timothy Aniway ang naarestong suspek […]

  • May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN

    OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up.     Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy.     Sa […]

  • Panukala na maglilibre ng buwis sa kita ng mga frontliners, aprubado

    Bilang pagkilala at parangal sa hindi matatawarang paglilingkod ng mga medical frontliners sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa ang House Bill 8259, na naglalayong ilibre sa buwis sa taong 2020 ang mga manggagawa sa kalusugan.     Ang panukalang “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra […]