• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party

NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.

 

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Jhon Carlo Arcebal, 25, delivery boy ng J Cenceo, Merville Subd. na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Renz Marlon Beniquid at PCpl Archie Beniasan, imbitado ang biktima sa birthday party ng kapatid ng suspek na si Mark Arcebal sa kanto ng J Cancio at R Diaz Sts.

 

Habang nag-iinuman alas- 12:15 ng gabi nang mauwi sa pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi malaman na dahilan kaya’t agad pumagitna si Mark saka inawat ang dalawa bago hinimok si De Guzman na umuwi na lamang.

 

Gayunman, sinundan ito ng suspek na armado ng patalim saka sinaksak sa likod bago tumakas habang isinugod naman ang biktima ng rumespondeng barangay tanod sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas

    ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station […]

  • HIGH RANKING OFFICIALS, EXEMPTED SA GUN BAN

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes, na ilang mataas na opisyal ng gobyerno ay exempted sa umiiral na gun ban.     Sinabi ni Comelec Chair Saidamen Pangarungan na maging ang kanilang mga security personnel ay papayagang magdala ng baril sa panahon ng gun ban  na nagsimula noong Enero 9 at magtatapos sa […]

  • Catantan tumagpas ng 3 panalo sa Ohio fencing

    NILADLAD  kaagad ni Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar Samantha Kyle Catantan ang bangis ng isang Pinay nang tumagpas ng tatlong panalo sa Ohio State Invitational linggong nagdaan sa Columbus,USA.     Unang nakaeskrimahan ng PSU men’s at women’s fencing teams sa torneo ang mga koponan ng Notre Dame, Duke at North Carolina.   […]