• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak na lolo kalaboso sa P204K shabu sa Valenzuela

KULONG ang 64-anyos na lolo na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng hapon.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Hapon, 64, residente ng Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng iligal na droga ng suspek.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, agad bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation kung saan pumayag umano ang suspek na sa Brgy. Gen T De Leon gaganapin ang kanilang transaksyon.

 

 

Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-5:30 ng hapon sa Gen. T. De Leon Rd. Beside Liembest Lechon Manok.

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 recovered money at cellphone.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at kanyang mga tauhan sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagpapalaya sa 3 suspek sa Dacera rape-slay case bahagi ng due process – PNP

    Bahagi ng due process ang pagpapalaya sa tatlong suspeks sa Dacera rape-slay case. Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson BGen. Ildbirandi Usana .     Gayunpaman, siniguro ni Usana magpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP CIDG sa kaso ni Christine Dacera sa kabila ng naging resolusyon ng Makati court na palayain ang mga suspeks dahil sa […]

  • PBBM, bineto ang ilang probisyon ng Amendments to Agricultural Tarrification Act

    BINETO (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang probisyon ng Amendments to Agricultural Tariffication Act.       Ang katuwiran ng Pangulo, makapagdadala ito ng hindi kanais-nais na mga resulta kaysa sa kanilang mga nakikitang benepisyo.     Ipinalabas ng Malakanyang ang veto message ng Pangulo, ilang sandali pa matapos lagdaan ni Pangulong Marcos […]

  • BUNTIS, 2 ELECTRICIAN KULONG SA BARIL AT P170K SHABU SA CALOOCAN

    SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug pushers kabilang ang 18-anyos na buntis matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Patrick […]