• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa baril at P408K shabu sa Caloocan

KALABOSO ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng baril at mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Marvin De Vera alyas “Bigboy”, 37 ng Hernandez St., Brgy., Catmon, Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activity ng suspek kaya’t isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC-RMFB ang buy bust peration sa Kapak St., Brgy. 12, Caloocan City kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay De Vera ng P10,000 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ng back-up na operatiba ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad itong lumapit saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000. 00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong P1,000 boodle money at isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala.

 

 

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Section 5 and Section 11 Art  II of RA 9165 at RA 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines. (Richard Mesa)

Other News
  • Comedy-suspense ang naging plot: Nakakaaliw na TNT video para sa SIM Registration, nag-viral

    MISTULANG comedy-suspense plot ang bagong viral video ng mobile brand na TNT na nagpapakita ng posibleng mangyari kung hindi makapag-register ng SIM      Sa witty at creative na video, na umani na ng 14 million views sa TikTok at 8 million views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw, tampok ang isang mag-ama […]

  • PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

    KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.   Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red […]

  • Passing mark ng US Homeland Security, nasungkit ng NAIA

    NABIGYAN ng passing mark ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng United States Department Homeland Security (DHS) matapos ang mga nakaraang pagbagsak sa mga security deficiencies ng premier airport ng bansa.   Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong ang mga dumating na inspectors mula sa Transportation Security Administration (TSA), isang ahensiya […]