Tulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo umabot na sa P1-B — NDRRMC
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa kabuuang P1.1 billion ang halaga ng tulong na naihatid ng gobyerno para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kasama sa naipamahagi ay ang mga pagkain at non-food items na pinangunahan ng mga ahensya ng gobyerno kagaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of the Civil Defense (OCD), local government units (LGU), habang ang iba ay nanggaling naman sa non-government organizations.
Bukod pa rito, inuulat ng NDRRMC, naipamahagi na ng DSWD ang kabuuang 1,013,000 family food packs sa mga rehiyon sa bansa para sa nagdaang mga bagyo.
Ayon pa sa NDRRMC aabot na sa mahigit 2,200,000 na mga pamilya ang naapektuhan o tinatayang nasa 8,630,000 indibidwal.
-
Malakanyang, walang kamay sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen
WALANG kinalaman ang Malakanyang sa naging hakbang na sampahan ng impeachment complaint si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil umano sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust. Ito ay dahil sa bigo di umani si Leonen na makapaghain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) sa loob […]
-
P703 milyong fuel subsidies, naipamahagi na sa PUV drivers
NAIPAMAHAGI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may P703 milyong halaga ng fuel subsidy na laan para sa mga benepisyaryong driver ng pampasaherong jeep. Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, ang fuel subsidies ay para sa kabuuang 108,164 beneficiaries na tumanggap ng P6,500 kada unit kaugnay ng Pantawid […]
-
$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB
Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan. Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) […]