Tuloy na launching ng pinakaunang modern bank notes sa PH na hindi na tao, kundi national animal
- Published on April 8, 2022
- by @peoplesbalita
PERSONAL na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes.
Ito ang kauna-unahang modern bank notes sa Pilipinas na hindi na tao, kundi national animal ang nakalagay.
Isasagawa ito sa Malacanang sa kabila ng naunang kontrobersyal na pagkakamali sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design ng nasabing pera.
Una na itong nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sinabing ang napansing mali ay sample lamang na subject for review at hindi pa ang final design.
Kasama sa features ng bagong P1,000 bill ay ang Philippine Eagle na una nang napaulat na papalit sa World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda.
Sinabi naman ng BSP na hindi made-demonetize ang lumang P1,000 bills dahil sabay naman itong iikot sa merkado, kasama ang bagong disenyong salapi.
-
PNP: Pamilya ng broadcaster na si Percy Lapid ‘binabantaan na rin ang buhay’
INIUTOS na ni Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. na paigtingin ang seguridad ng pamilya ng pinatay na radio broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) sa dahilang nakatatanggap na rin sila ng death threats. Ito ang ibinahagi ni Azurin, Martes, sa panayam sa kanya ng ANC ilang araw matapos maisama sa […]
-
Mystery Thriller ‘Where the Crawdads Sing’ Reveals Trailer
‘WHERE The Crawdads Sing’ is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift. We can’t bury this secret forever… the worldwide phenomenon and best-selling book, Where The Crawdads Sing, is making its way to the big screen featuring an original song from Taylor Swift. Check out the trailer now […]
-
Ads October 18, 2024