• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ugas tataob kay Pacquiao sa rematch — Fortune

Umaasa si strength and conditioning expert Justine Fortune na ikokonsidera ni People’s Champion Manny Pacquiao ang rematch kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas para sa kanyang final fight.

 

 

Gusto ni Fortune na muling sumalang si Pacquiao sa huling pagkakataon dahil ayaw nitong magretiro ang Pinoy pug ng ganun ganun na lang.

 

 

Sa kabila ng tensiyon sa coaching staff, gusto pa rin ni Fortune na makasama ang Pinoy champion sa huling laban nito.

 

 

Sa oras na maikasa ang rematch, optimistiko si Fortune na kayang-kaya ni Pacquiao na pabagsakin si Ugas dahil napagpag na ang kalawang nito.

 

 

“For me, I don’t want Manny to retire with a loss. I wouldn’t mind a rematch with Ugas. I think Manny should be able to beat him with no more ring rust,” ani Fortune sa Boxing Scene.

 

 

Matagal-tagal ding hindi sumabak si Pacquiao — mahigit dalawang taon mula nang talunin nito si Keith Thurman noong Hul­yo ng taong 2019.

 

 

Alam ni Fortune na may ilang pagkakamali sa training camp ni Pacquiao noong naghahanda ito para kay Ugas at umaa­sang hindi na ito mauulit sa oras na muling magsimula ang pagsasanay ng Pambansang Kamao.

 

 

Lumasap si Pacquiao ng unanimous decision loss kay Ugas kung saan isa sa itinuturong dahilan ang tinamong cramps ng fighting Senator sa huling bahagi ng laban.

 

 

May alitan sina Fortune at Hall of Famer Freddie Roach ngunit handa si Pacquiao na pumagitna upang maayos ang gusot.

Other News
  • PBBM, nangakong palalawigin ang medical at nursing education programs

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalawigin nito ang medical at nursing education programs para tumulong na tugunan ang kakapusan ng  healthcare workers sa bansa dahil sa migration o pandarayuhan.     “To address the current shortage of healthcare professionals in our country, and to help us achieve our goal of universal healthcare, […]

  • Donaire, negatibo sa confirmatory test; umaasang tuloy ang Rodriguez bout

    Umaasa si dating four-division world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na matutuloy na ang sagupaan nila ni Puerto Rican boxer Emmanuel Rodriguez.   Ito’y makaraang lumabas ang resulta ng kanyang confirmatory test na nagnegatibo ito sa COVID-19.   Ayon kay Donaire, kinailangan niya at ng kanyang asawa at manager na si Rachel na sumailalim […]

  • NCR Plus, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions simula Mayo 15

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, Mayo 13, 2021 ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.   Isinailalim din sa GCQ status mula […]