• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ugnayan ng Pinas-Saudi , pinagtibay nina PBBM at Saudi Foreign Minister

MULING pinagtibay nina Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. at Prince Faisal bin Farhan Al Saud, Minister of Foreign Affairs ng  Saudi Arabia ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

 

 

Mainit na tinanggap ng Pangulo si Prince Faisal sa Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli.

 

 

Naka-upload sa official Facebook page ng State-run Radio Television Malacañang (RTVM) ang maikling video  ng pagkikita at pagpupulong nina Pangulong Marcos at Prince Faisal.

 

 

Makikita rin sa  nasabing video ang pagpirma ni Prince Faisal sa guest book sa  Malacañang Palace.

 

 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng detalye ang Malakanyang hinggil sa naging pagpupulong ng dalawa.

 

 

Sa kabilang dako, nagbahagi rin ang Embahada ng Saudi Arabia sa Pilipinas ng mga larawan ng pagpupulong nina Pangulong  Marcos at Prince Faisal sa  Twitter account.

 

 

Ipinaabot  naman ng  Saudi Foreign Minister ang ‘wish’ nina  Saudi Arabia’s King Salman bin Abdulaziz at Crown Prince Mohammed bin Salman  kay Pangulong Marcos  na “continued success.”

 

 

“During the reception, they reviewed the bilateral relations between the two friendly countries based on cordiality, friendship, and joint cooperation in various fields,” ayon sa embahada.

 

 

Kasama ng Pangulo sa nasabing courtesy call sina  Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Presidential Management Staff Secretary Ma. Zenaida Angping.

 

 

Dumating sa bansa si Prince Faisal, Miyerkules ng gabi  bago pa makipagpulong kina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Pangulong  Marcos.

 

 

Samantala, nagkasundo naman sina Pangulong  Marcos at Sri Lankan President Ranil Wickremesinghe na palakasin ang  bilateral relations ng Pilipinas at Sri Lanka.

 

 

Ang  commitment  ng dalawang  lider ay nangyari sa  kanilang  bilateral meeting sa Malacañan Palace, Huwebes ng umaga.

 

 

Hangad ng dalawang lider ang  “new approaches”  upang mas lalo pang mapahusay ang ugnayan ng dalawang bansa.

 

 

“Following their friendly conversation, the two leaders commenced their bilateral discussions. During this discussion, greater emphasis was placed on further strengthening the longstanding bilateral relations between Sri Lanka and the Philippines through new approaches,” ang kalatas na naka-upload sa official website ng Sri Lanka’s President’s Media Division (PMD).

 

 

Nabanggit naman ni Pangulong Marcos  na napag-usapan nila ni  Wickremesinghe ang pagdaraos ng  Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit and Related Summits ngayong taon at maging ang posibleng paglikha ng  monitoring at regulatory body  na mangangasiwa sa  Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

 

“In today’s courtesy call with Sri Lankan President Ranil Wickremesinghe, we discussed the upcoming Asean conference and explored the possibility of having a monitoring and regulatory body to administer the Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). We both believe this will be beneficial to all Asean members,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

 

 

Ang 40th at 41st Asean Summit and Related Summits ay idaraos sa Nobyembre ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • “‘WONKA’ IS ABOUT BRINGING A LIGHT INTO A WORLD THAT IS IN DESPERATE NEED OF IT,” SAYS TIMOTHÉE CHALAMET

    Timothée Chalamet is proud to be a part of “Wonka.”        All the singing and dancing aside, Chalamet, who plays the beloved chocolatier in the film, is most proud of being part of “a joyous movie, that is about bringing a light into a world that is in desperate need of it,” he […]

  • 3 dam sa Luzon muling nagpakawala ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan

    MULI na namang nagpakawala ng tubig ang Ipo, Ambuklao, Binga Dam kahapon.     Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang mga dam na dala naman ng nagpapatuloy na mga pag-ulan na dulot ng Hanging Habagat.     Batay sa datos na inilabas ng mga eksperto, lumagpas […]

  • Lalaking nagtangkang bumaril sa pulis, kalaboso

    Masuwerte pa rin ang isang lalaki na nang-agaw ng baril ng isang pulis at tinangkang barilin nito ng tatlong beses matapos magpasya ang kabaro ng parak na arestuhin ito sa halip na barilin para mamatay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nagmamaneho ng motorsiklo habang […]