• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ukraine, hindi na ipipilit pang maging kasapi ng NATO

HINDI NA pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

 

In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari raw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.

 

 

Aniya, dahil sa naging pasyang ito ng NATO ay maraming dugo ang dadanak. dahil mahina ito, at kawalang pagkaka-isa

 

 

Dahil dito ay naging bukas na si Zelenskyy na i-kompromiso ang katayuan ng dalawang breakaway pro-Russian territories na kinilala ni Russian President Vladimir Putin bilang isang independyente bago pa man nito simulan ang naging pagsalakay sa kanilang bansa noong Pebrero 24.

 

 

Hindi rin aniya handa ang NATO na tanggapin ang Ukraine at takot din ito pagdating sa mga kontrobersyal na bagay at maging sa pag-kompronta sa Russia.

 

 

Pagtutukoy pa nito sa NATO membership, sinabi ni Zelenskyy na hindi niya gustong maging presidente ng isang bansang nagmamakaawang humiling ng isang bagay.

 

 

Samantala, ipinahayag naman ng Ukraine president na bukas ito sa pakikipagdayalogo sa Russia hinggil sa mga hinihinging demand nito.

Other News
  • Mayroong PBA Special Draft muli sa Marso 14 – Marcial

    MULING pinagbigyan ng Philippine Basketball Association ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na magsagawa ng Special Draft para sa Gilas Pilipinas sa Online 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na Marso 14.     Pero aaralin pa ng national sport association o national governing sport body (SBPI) ang mga bubunitin sa special draft […]

  • PBBM, ipinag-utos sa PSA na bilisan ang paglilimbag sa PhilSys digital ID

    IPINAG-UTOS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Martes sa Philippine Statistics Authority (PSA) na i-fast-track o madaliin ang printing o paglilimbag sa digital version ng  Philippine Identification System (PhilSys) ID.     “Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we […]

  • Pag-import ng 300K MT ng asukal, tinanggihan ni Pangulong Marcos

    TINANGGIHAN  ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukala na mag-angkat ng karagdagang 300,000 metriko ­tonelada (MT) ng asukal.     Ito ang inihayag kahapon Press Secretary Trixie Cruz-Angeles matapos mapaulat ang pahayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica noong nakaraang linggo na plano ng ­gobyerno na mag-import ng nasa 300,000 MT ng […]