• March 28, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umiyak na parang bata at naghagulgulan silang mag-ama: KEEMPEE, emosyunal na nagkuwento sa pagbabati nila ni JOEY

SA unang pagkakataon ay mahabaang nagkuwento si Keempee de Leon tungkol sa pagbabati nila ng amang si Joey de Leon.
Halos limang taon silang hindi nag-usap bago muling nagkaroon ng koneksyon sa set ng Eat Bulaga! sa TV5 nitong June 15, 2024, isang araw bago ang Father’s Day.
“Last year lang ng Father’s Day, talagang sinadya ko talaga siya sa Eat Bulaga!, na… humility ba? Ako na yung nagpakumbaba?
“Although alam ko may kasalanan din ako dahil magulang is magulang, e. Bali-baliktarin mo man yan. Kahit sino may kasalanan, magulang mo pa rin, e.
“More than five years. Kasi na-depress din ako. Alam niyo naman yun dahil sa work din… nawala tayo sa Bulaga.
“So, partly lahat yun talagang nag-pile up sa akin. Nagkulong ako sa bahay. Hindi ako lumalabas.
“Hindi ako nagpakita sa pamilya ko. Kahit malapit kami ng ate ko [Chenee de Leon], hindi ako nagpapakita. Wala. As in walang connection…”
Ang pinag-ugatan ng sama ng loob ni Keempee ay ang pagkakatanggal niya sa Eat Bulaga! noong 2015 matapos ang halos 14 years na pagiging co-host niya sa programa.
Dumanas siya ng depresyon at nagkaroon ng drinking problem.
“Dumating ako sa point na talagang yung galit ko sa trabaho, sa tao, yung mga nagtanggal sa akin…
“Kasi I was left hanging, e. Wala akong idea kung bakit ako nawala. Humihingi ako ng sagot, wala.
“So, nandun talaga yung… yun talaga yung nag-down talaga sa akin.”
“Until such time dumating na… kasi alam niyo naman, born-again Christian ako. So, yun yung realization.
“Sinarili ko muna yung buhay ko na… na-realize ko na pina-realize ng Diyos sa akin, ‘Ano ba yung pagkakamali? Ano ba yung tamang ginawa mo?’”
“Kailangan tanggalin ko yung pride na ‘yon,” paliwanag ng aktor.
“Kumbaga, yan yung isa sa pinakamakasalanang ugali ng tao na ayaw ng Diyos, e. So, tinanggal ko yun.
“Kinain ko talaga yung pride ko… Sabi ko, ‘Lord, ako rin yung nahihirapan, e.’”
Nangibabaw rin daw ang pagnanais na huwag nang pahirapan ang kalooban ng ama.
“Siyempre may edad na rin si Daddy. So, ayokong mas mahirapan pa yung kalooban niya.
“Sabi ko, ‘If it’s Your will.’ Sabi ko, ‘Gagawin ko ito for You, not for me and for my dad.”
Matapos ang pagbisita sa Eat Bulaga!, September 2024, um-attend si Keempee sa birthday ng misis ni Joey na si Eileen Macapagal.
“First time kong makaapak ulit sa bahay niya sa Green Meadows.
“Parang outsider yung feeling ko, alam mo yun? Parang, sige, sabi ko, ‘Bahala na.’”

Pagpasok niya sa bahay ay una silang nagbatiang mag-ama.

“Total silence. Yumakap na lang ako sa Tita Eileen ko.

“Nag-sorry ako… sa kapatid ko, kapatid ko si Jocas, umiiyak…

“Sabi ko, ‘Ba’t ka umiiyak?’ Sabi niya, ‘Tagal mo nawala, e.’

“So, na-feel ko ulit na at home ako… na yung welcome ulit ako.

“So, yung forgiveness ng family, nandun pa rin. So okay, lahat. Brothers ko, lahat…”

Niyaya raw ni Joey si Keempee na tingnan ang isang kuwarto sa bahay.

Pagpasok sa kuwarto, kuwento ni Keempee, “Tapos inakbayan niya akong ganyan. Umiyak na ako.

“Doon na ako umiyak na talagang, parang bata, hagulgol ako, hagulgol. ‘Sorry po.’

Napa-upo nga ako, e. ‘Sorry po.’

“Sabi ko, ‘Dy, sorry sa lahat, patawarin mo ako.’

“Pati siya umiyak na rin, naghahagulgulan na kami…

“Doon ko naramdaman, sabi ko, ‘Eto kami nung tatay ko. Ito yung relasyon namin talaga, yung close kami.’

“Naramdaman ko ulit yung father-and-son relationship.

“Sa akin, yung iyak ko is more of joy. And yung peace na nagkapatawaran kami.

“Naiyak ako lalo nung sabi niya, ‘Hindi ko nga alam nasan ka? Kamusta ka? Kung ano bang kinakain mo? Ano nangyari? O anong pakiramdam mo?’”

Habang nagkukuwento si Keempee ay naging emosyunal na rin siya.

Naisip daw ni Keempee na maiksi ang buhay at may edad na rin ang ama.

“Masaya lang ako. Naiiyak ako kasi masaya. Naging okay kami, lahat,” sambit niya.

Mapapanood si Keempee sa upcoming GMA-7 afternoon series na Prinsesa ng City Jail. Pinagbibidahan ito nina Sofia Pablo at Allen Ansay at magsisimulang umere sa January 13.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Para labanan at tapusin na ang pagkagutom sa 2027… DSWD, tinitingnan ang mas maraming POGO hubs bilang ‘food banks’

    SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapulong na niya ang ibang tanggapan ng gobyerno para i- convert ang piling POGO hubs sa food banks, gagamitin ito para sa hangarin ng gobyerno na “tuldukan na ang pagkagutom” sa bansa sa 2027. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang pagtugon sa pagkagutom […]

  • HEART, gusto na talagang mabuntis ‘di lang sila makatiyempo ni CHIZ

    SA latest vlog ni Heart Evangelista – Escudero sinagot niya ang ilan sa ‘craziest rumors’ na pinadala ng kanyang followers sa kanyang IG account.     Isa nga sa sinagot ang tsikang may pinaretoke siya sa kanyang face particularly sa ilong at eyelid.     Kaya muling sinagot ng sikat ng fashion icon ng bansa […]

  • Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque

    WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na […]