Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.
Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang walang trabaho o negosyo nitong Hulyo. Ito ay nangangahulugang mga 4.6 milyong Pilipino na walang trabaho.
Malayo-layo ito kumpara sa naitalang 17.7% record-high unemployment rate ng ahensya noong Abril habang kasagsagan ng mga COVID-19 lockdowns sa Pilipinas.
Ibig sabihin, nasa 2.7 milyong trabaho ang naibalik sa ekonomiya ng Pilipinas simula nang dumami ang isinailalim sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Gayunpaman, higit na mas marami pa ring walang trabaho ngayon kumpara noong parehong panahon noong isang taon.
“Ito ay mas mataas ng 2.2 milyon kaysa sa bilang noong July 2019 na nasa 5.4 percent o 2.4 milyon,” sambit ng PSA sa kanilang report ngayong umaga.
“Ang bilang ng may trabaho o negosyo ay bumaba ng 1.2 milyon mula July 2019 hanggang July 2020. Nitong nakaraang July, ang bilang ng mga may trabaho o negosyo ay naitala sa 41.3 milyon na lamang.”
Pantay naman ang naitalang employment rate ng mga kababaihan at kalalakihan nitong Hulyo. Batay sa mga numero, siyam sa bawat sampung babae at lalaking nasa labor force ang may trabaho o negosyo, habang isa sa kada sampung babae o lalaki ang walang trabaho.
Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa ilalim ng “technical recession” ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na sinasabing pinakamalala simula pa noong 1981.
-
Ardina, Pagdanganan sali sa Women’s PGA
NAKAPASOK sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan ng Pilipinas sa susunod na major event ng United States 71 st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania. Pases nila ang kasalukyang katayuan sa LPGA money lists na […]
-
2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan
DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod. […]
-
High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon
KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan. “The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay […]