US companies, tinitingan ang trade, investment mission sa Pinas
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na makapagdadala ang mga awtoridad sa Pilipinas ng 100 top American companies para tingnan ang investment opportunities sa bansa sa panahon ng “planned trade and investment mission” ng Washington.
“Hopefully we’ll have at least 100 of them coming to the Philippines to look at opportunities,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.
Sa isang kalatas, may petsang Mayo 2, sinabi ng White House na plano ni US President Joe Biden na maglunsad ng Presidential Trade and Investment Mission sa Maynila para mas lalo pang palalimin ang investment ng mga American firms sa “local economy, covering energy transition, critical minerals sector, at food security.”
Tampok dito ayon sa Estados Unidos ang “the highest caliber of” ng mga business leaders nito.
Tinuran ni Romualdez na ito’y magiging “big plus” para sa Pilipinas , lalo na ngayon na kinokonsidera ito bilang “fastest growing economy” sa Asya na may growth outlook na 6% ngayong taon base sa pinakabagong projections mula sa International Monetary Fund.
“It’s an attractive place to invest now and I think this kind of interest is now even much stronger because of this revitalized relationship we have with the United States,” ayon kay Romualdez.
Maliban sa commitments mula sa mga opisyal ng Amerika, winika ng Pangulo na ang kanyang five-day official US visit ay nagtapos na may $1.3 billion, o mahigit sa ₱72 bilyong halaga ng investment pledges na mayroong potensiyal na lumikha ng 6,700 bagong hanapbuhay para sa mga Filipino.
Bago pa ang nasabing anunsyo, ipinabatid naman ng US-based pharmaceutical company Moderna kay Pangulong Marcos ang plano nito na gagawin nilang Asian hub ang Pilipinas.
Inaasahan ayon kay Romualdez na darating sa Pilipinas si Moderna General Manager Patrick Bergstedt sa susunod na dalawang linggo para agad na masimulan ang proseso.
“The first part of their investment will be sort of like a commercial entity that they’ll set up in the Philippines to look at the distribution for the Asian region, bumping it up later on to doing research together with our new virology institute and at the same time manufacturing vaccines not only for potential pandemic, but mRNA technology is also going to be used a lot for cancer,” ang pahayag ni Romualdez.
Maliban dito, nabanggit din ng Malakanyang na seryosong kinokonsidera ng US-based firm Ultra Safe Nuclear Corporation ang pagtatayo ng kanilang kauna-unahang nuclear energy facility sa Southeast Asia sa Pilipinas.
“If this pushes through, the nuclear power plant is seen to help the local energy sector,” ayon kay Romualdez.
Nagresulta rin aniya ang opisyal na pagbisita ng Pangulo sa US ng “adoption of the two long-time allies’ new bilateral defense guidelines.”
Ani Romualdez, “this helped make the Mutual Defense Treaty “crystal clear” as the guidelines set the parameters on how the parties will proceed in terms of implementing the agreement.”
Bagama’t hindi na nakapulong pa ni Pangulong Marcos ang iba pang business leaders sa Estados Unidos dahil sa kakapusan na ng panahon, kinokonsidera naman ni Romualdez na ang official visit ng Chief Executive ay “near perfect” lalo pa’t karamihan sa kanilang mga plano ay napansin. (Daris Jose)
-
NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean […]
-
PRC, hinikayat ang mga Bulakenyo na makiisa sa pagtaguyod ng mga makataong serbisyo
UPANG mahikayat ang mga Bulakenyo sa pakikilahok at pagtataguyod ng mga serbisyong makatao, idinaos ng Philippine Red Cross – Bulacan Chapter ang Walk for Humanity kung saan humigit-kumulang 4,100 Bulakenyo ang lumahok sa martsa na nagsimula sa Malolos Sports and Convention Center hanggang Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito. Alinsunod sa temang […]
-
CBCP, pinasalamatan ang mga guro
Pinasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan. Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan. […]