• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.

 

 

Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces sa Irpin, Ukraine.

 

 

Kinumpirma ito ng isang volunteer surgeon para sa Ukrainian territorial defence na si Danyloi Shapovalov at sinabing may dalawa pang journalists ang sugatan ngayon na kasalukuyan nang nagpapagaling sa isang pagamutan doon.

 

 

Ayon kay Kyiv Police Department Head Andrey Nebitov, nagpaulan ng bala ang tropa ng Russia sa isang kotse kung saan nakasakay ang nasabing mga biktima.

 

 

Samantala, sa isang statement ay nagpaabot naman ng pagdadalamhati at pakikiramay ang pamunuan ng naturang pahayagan sa pagkamatay ni Renaud kasabay nang paglilinaw na wala itong anumang assignment sa Ukraine para sa New York Times at ipinaliwanag na ang pagkalat umano ng mga naunang ulat na nagtatrabaho ito sa naturang pahayagan dahil sa suot nitong Times badge ay ibinigay lamang noon para sa isang assignment, maraming taon na ang nakakaraan.

 

 

Si Renaud ay isang Peabody Award-winning documentary filmmaker, producer, at journalist, na nanirahan at nagtrabaho sa New York City at Little Rock, Arkansas.

Other News
  • Approach ni PDu30 sa WPS, gumagana

    GUMAGANA ang “approach” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo pa’t wala namang teritoryo ng bansa ang nakuha ng China simula nang maupo siya sa puwesto.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tugon sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na kailangan ang multilateral approach […]

  • Pagbabakuna tuloy sa Metro Manila kahit ECQ

    DAHIL sa namuong banta ng Delta variant, walang kuwestiyon na ang pagbabakuna sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ay isang mahalagang solusyon.   Nakasaad sa Seksyon 2 ng Guidelines for Areas Placed Under ECQ ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine sa Pilipinas na “gatherings that are […]

  • Bagong energy sources pinatutukan ng ERC sa pamahalaan

    PINAYUHAN ni Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devenadera ang pamahalaan na ituon ang atensyon sa pag-develop ng mga bagong sources ng energy para makatulong sa pagbawas sa singil sa nakokonsumong kuryente ng publiko.     Mababatid na sa harap nang tuluy-tuloy na pagsirit ng presyo ng langis, inanunsyo ng Meralco noong Huwebes na itataas nila […]