• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela LGU pinasinayaan ang Veinte Reales–Lingunan MEGA Pumping Station

PINANGUNAHAN ni Mayor WES Gatchalian ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa ika-25th pumping stations ng Valenzuela City sa Barangay Veinte Reales at Lingunan upang mabawasan ang pagbaha sa mga lugar na ito sakaling may malakas na ulan na dala ng bagyo.

 

 

Dahil sa climate change at global warming, ilang bahagi ng lungsod ang madaling lumubog sa baha, lalo na ang mga low-lying at catch basin barangay.

 

 

Ang PhP 400 Million Veinte Reales–Lingunan MEGA Pumping Station ay mayroong 4 na submersible 2.0㎥/s pump — 8㎥/s sa kabuuan, 4 na unit ng 500kva generator sets, at 2 floodgates na mabilis na nag-aalis ng dumi sa wastewater.

 

 

Hinihikayat ni Mayor WES ang mga mamamayan na maunawaan na ang pumping station ay isa lamang sa kanilang mga proyekto sa pagkontrol sa baha at sila ay nagtatrabaho ng higit pa.

 

 

“Sa sitwasyon natin ngayon sa climate change, sa global warming na nangyayari sa buong mundo ay hindi natin maiiwasan pa rin ang pagtaas ng tubig…. Kaya po hinihingi namin ang inyong konting pang-unawa, ang importante sa amin ni Kap. Jojo ay ang main road po ay magawa na… at uunti-untiin po natin tapusin ang mga looban na kalye. Hindi lang po [ito] sa Veinte Reales, [kundi] sa buong Valenzuela.” Ani Mayor WES.

 

 

Bukod sa MEGA pumping station, hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang Pamilyang Valenzuelano na iwasang magtapon ng basura sa mga kanal at laging maghanda sa mga darating na kalamidad. (Richard Mesa)

Other News
  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]

  • Para makabyahe ang motorcycle taxis, permiso ng mga mambabatas kailangan munang makuha

    KAILANGAN muna ng mga motorcycle taxis ng permiso mula sa mga mambabatas bago pa makabalik sa lansangan.   Ito’y dahil sa patuloy na umiiral na ‘limit modes’ ng public transport dahil sa coronavirus pandemic.   Ang inter-agency task force na nangunguna sa pagtugon sa pandemiya “has done what it could do” nang iendorso sa House […]

  • Super Tekla at Michelle, nagkaayos na pagkatapos ng matinding kontrobersya

    NAGKAAYOS na sina Super Tekla (Romeo Librada) at Michelle Lhor Bana-ag base na rin sa kuwento ng nanay ng anak ng komedyante sa programa ni Raffy Tulfo.   Bago nangyari ang pagbabati ay nakatakdang sumalang sa drug at lie detector test si Michelle para malaman kung nagsasabi siya ng totoo bago niya sampahan ng kaso […]