• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara umayaw na sa confidential fund

HINDI  na ipipilit pa ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakaroon o pag­hingi ng confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa 2024.

 

 

Ito ang kinumpirma kahapon ni VP Sara sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang social media pages.

 

 

Ayon sa bise presidente, nagpapanukala lamang ang OVP ng budget upang suportahan ang ligtas na implementasyon ng kanilang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa mga mamamayan.

 

 

Gayunman, wala na aniya silang planong isulong pa ang paghingi ng confidential funds dahil sa nagdudulot na ang isyu nang pagkakawatak-watak, na taliwas sa kanyang sinumpaan na pananatilihin ang bansa na payapa at matatag.

 

 

“The Office of the Vice President can only propose a budget to support the safe implementation of our programs, activities, and projects to alleviate poverty and promote the general welfare of every Filipino family,” ani Duterte.

 

 

“Nonetheless, we will no longer pursue the Confidential Funds. Why? Because this issue is divisive, and as the Vice President, I swore an oath to keep the country peaceful and strong,” aniya pa.

 

 

Bukod naman sa OVP, hindi na rin umano isusulong ni VP Sara ang paghingi ng confidential fund para sa DepEd, na kanya ring pinamumunuan bilang kalihim nito. (Daris Jose)

Other News
  • Paggamit ng face shield, mananatiling boluntaryo sa mga lugar na nasa Alert Level 2 –Nograles

    MANANATILING boluntaryo ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 2 maliban na lamang sa mga ospital.   Ginawa ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang paglilinaw matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangang ipagpatuloy ng nga tao ang paggamit ng face shields sa gitna ng pagpasok […]

  • KELOT TIMBOG SA SHABU NA PINALAMAN SA PANDE COCO

    BALIK-kulungan ang isang lalaki na dadalaw lang sa kanyang dating kapwa mga inmates matapos makuhanan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 ng 1346 DM Cmpd. Heros Del 96, Brgy, 73 […]

  • Fully vaccinated healthcare medical workers, puwede ng mag-avail ng booster shots- Nograles

    SIMULA bukas, Nobyembre 17 ay maaari nang mag-avail ng booster shots ang lahat ng fully vaccinated healthcare medical workers.   Pinagtibay ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang public advisory na ipinalabas ng Department of Health (DOH) ukol sa bagay na ito.   “Uulitin ko po, para po muna ito sa A1 healthcare […]