• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang ‘house-to-house’ search sa COVID-19 patients – Palasyo

Walang magaganap na house-to-house para i-test ang mga mamamayan at matukoy kung sino ang positibo sa COVID-19.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

 

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Roque na ang mga may sintomas o may COVID-19 ay dapat aniyang i-report ng kanilang mga kamag-anak o barangay o mismong ng pasyente.

 

Mas maaalagaan din sa mga quarantine facilities ang mga positibo sa COVID-19.

 

Idinagdag nito na may kapangyarihan ang gobyerno na ilipat sa mga quarantine facilities ang mga pasyente upang mapangalagaan ang kalusugan ng iba na hindi pa nahahawa.

 

Sa Laging Handa press briefing noong Mar­tes, sinabi ni Roque na nili­naw sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disea­ses na ang pupuwede lamang mag-home quarantine ay ‘yong may mga sari-ling kuwarto, may sariling toilet at walang kasamang matanda, may sakit o buntis.

 

Ang mga walang sa-riling kuwarto at sariling banyo pero positibo sa COViD-19 kahit pa asym­p­tomatic ang susundiin aniya ng Oplan Kalinga. (Gene Adsuara)

Other News
  • Kopya ng disbarment hindi pa natatanggap ng IBP

    WALA  pang natatanggap na kopya ang Integrated Bar of the Philippines sa  disbarment case na isinampa ni Atty. Melvin Matibag laban kay dating Presidential Spokesman Sec. Harry Roque. Ayon kay Atty. Antonio Pido, National President ng IBP, ang disbarment case laban kay Atty.Roque ay sa media organizations lamang niya narinig . Karinawan umanong binibigyan ng […]

  • Alaska workouts grabe – Teng

    MASKI sa online lang muna nagkakakitaan ang Alaska Milk, kayod sa pagpapawis ang mga manlalaro ni Jeffrey Cariaso.   Ayon sa Aces coach, matindi pa aniya ang pinapagawa niya sa kanilang players kumpara sa harapan.   “Grabe kami mag-workout,” pagsisiwalat din kahapon ni third-year wingman Jeron Teng sa Philippine Basketball Association (PBA) Kamustahan podcast. “Sana […]

  • Donasyon para sa binagyo, dumagsa sa Maynila

    Dumagsa ang libu-libong donasyon sa isinagawang ‘donation drive’ ni Manila City Mayor Isko Moreno para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.     Daan-daang sako ng bigas at mga donasyong pagkain ang dinala ng mga may mabubuting-loob na mamamayan sa repacking station sa P. Noval Street sa Maynila na dinagsa […]