WBC inatasan ang paghaharap ni Ryan Garcia kay Isaac Cruz
- Published on May 13, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz.
Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts.
Huling laban nito ng talunin niya si Emmanuel Tagoe noong nakaraang buwan sa Alamodome, San Antonio kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision.
Habang si Cruz ay kilala bilang notorious na body puncher ay mayroong 23 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 16 na knockouts.
Noong nakaraang buwan ay tinalo nito sa pamamagitan ng ikalimang technical knockout si Yuriorkis Gamboa.
Nagpost naman si Garcia sa kaniyang social media kung saan sabik na itong makaharap si Cruz.
-
Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon. Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31. Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na […]
-
Marcos Jr, walang personal na perang ginastos para sa kanyang kampanya- Atty. Dabatos
HINDI gumastos ng kahit na isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito. Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline […]
-
OVP sumobra ipinasang liquidation report sa COA, resibong ginamit sa P23.8-M gastos kinukuwestyon
Sa pagmamadali na matugunan ang pagkuwestyon ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng P23.8 milyong halaga ng confidential fund ng Office of the Vice President (OVP), sumobra umano ang kuwestyunable at kahina-hinalang resibo na isinumite upang bigyang katwiran ang ginawang paggastos. Isinumite ng OVP ang 158 AR upang bigyang katwiran ang paggastos […]