WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19
- Published on October 27, 2021
- by @peoplesbalita
Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan.
Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay dahil sa COVID-19 mula January 2020 hanggang buwan ng Mayo nitong taon.
Sinabi nito na maaaring isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga namatay na healthcare staff ay dahil sa hindi pantay na distribution ng mga bakuna.
Dahil dito, hinimok ng WHO ang mga bansa na gawing prayoridad sa bakunahan ang mga healthcare workers.
Napag-alaman na tinatayang nasa 135 million healthcare workers sa buong mundo.
-
DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa. Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]
-
Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz
NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting. Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru […]
-
NCR, lifted na ang general curfew simula November 4
SIMULA Nobyembre 4 ay ‘lifted’ na ang general curfew sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na may ilang local government units ang mananatiling ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad. “Pumayag ang mga mayors na i-lift ang curfew this starting November 4 […]