Workers ng Honda nag-rally, alalay ng gobyerno aasahan
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
KINALAMPAG ng mga manggagawa ng Honda Cars Philippines Inc. ang Japanese Embassy sa Pasay City kahapon (Lunes, Pebrero 24) matapos ianunsiyo noong weekend ang plano ng Honda na isara ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna.
Nag-vigil sa loob ng planta ang ilang mga manggagawa ng Honda noong Sabado nang ianunsiyo sa kanila ang desisyon na isara ang planta sa Marso 25, 2020.
Kinondena ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda-OLALIA-KMU ang pagsasara at sinabing trinaydor sila ng management. May bakas sa HCPI ang mga Ayala at ang mga Yuchengco na kapwa may 15% na interes sa kompanya.
Samantala, agad pinakikilos ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep Joey Salceda ang mga ahensya ng pamahalaan na na alalayan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho sa pag-pullout ng operasyon sa bansa ng Honda, Nokia, Wells Fargo at Nissan.
Iminungkahi ni Salceda na mabigyan ng unemployment insurance ang mga apektadong empleyado o opsyon na gamitin ang kanilang naideposito sa SSS habang naghahanap ito ng bagong mapapasukang trabaho, ikalawa ay isama ang mga manggagawa sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng gobyerno at ikatlo ay isailalim sa skills retraining ng TESDA ang mga manggagawa upang magkaroon ng bagong “set of skills”.
Nilinaw naman nito na walang kinalaman ang gobyerno sa pull-out ng mga kumpanya.
Sinabi ni Salceda na ang problema ng Honda Philippines ay “competitiveness-related” dahil hindi ito makasabay sa kakumpetensya nito sa car industry dahil masyadong mahal na presyuhan ng ibinibentang sasakyan kumpara sa iba, habang ang Wells Fargo ay pinagmulta ng $3 billion ng US federal authorities, US Department of Justice at US Securities and Exchange Commission kaya nagkaroon ng downsizing sa kanilang global operations.
Habang ang Nokia ay matagal nang nalulugi dahil sa market competition habang ang Nissan naman ay nasa peligro na rin na magsara bunsod nang pagbaba na rin ng kanilang sales at problema mismo sa pamamalakad sa loob ng kompanya.
Giit ni Salceda na pag-aaralan ng Kamara ang national factors sa pagsara ng mga kumpanya subalit sa inisyal na evaluation ay lumilitaw na problema sa operasyon abroad ang nag-contribute para isara ang operasyon sa bansa kaya sa panig ng gobyerno ay ang national concern ngayon ay ang mga apektadong manggagawa.
“It appears that the problems these firms had were imported from abroad. In any case, we are studying the issues” pagtatapos pa ni Salceda.
Kaugnay nito, kahapon din ay sinubukan nang kausapin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Honda Cars Philippines para himukin na ituloy ang operasyon ng kanilang planta sa Laguna. (Ara Romero)
-
Aliño, bagong SBMA head
OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang negosyanteng si Eduardo Aliño bilang bagong chairperson at administrador ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Sa katunayan, pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Aliño sa harap ni Pangulong Marcos bilang SBMA head sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang. “President […]
-
PH 3×3 may award sa PSA
May espesyal na parangal ang Philippine men’s 3×3 team na may ticket sa Olympics Qualifying Tournament sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ngayong Biyernes sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Mangunguna sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon, 2019 Chooks-To-Go Fan Favorite awardee, sa koponan para sa okasyon na mga hatid ng […]
-
WINWYN, may boyfriend na pero ‘di lang makakasama ngayong Valentine’s Day
KINUMPIRMA ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez may special someone na siya kaya hindi siya single ngayong Valentine’s Day. Kaso ay hindi raw sila magkakasama ng boyfriend niya dahil nasa lock-in taping pa si Winwyn ng Owe My Love. “I’m not single anymore. So happy. Kahit naman nandito sa lock-in taping, […]